Chapter 1939: Nawala ang Kambal (10)
"'Di lang sila madaldal, nakakatawa pa ang mga salita nila!"
Tila sabay na pagkaaliw at pagkabalisa ang nararamdaman ni Huo Mian sa kambal.
Maya-maya lang ay tumunog ang telepono ni Huo Mian.
"Speaking of…" sinagot ni Huo Mian ang tawag at binuksan ang video chat…
"Hi Mommy," sabay na bati nina Little Bean at Pudding.
"Hi Darlings."
"Nasaan po si Daddy?" Tanong ni Little Bean.
"Andito siya." Itinaas ni Huo Mian ang telepono para ipakita ang mukha ni Qin Chu.
"Daddy, namiss mo ba ako?" malambing na tanong ni Little Bean.
"Syempre naman." Ngumiti si Qin Chu.
"Nagsisinungaling ka naman eh…'Pag andiyan si Mommy, 'di mo kami naiisip…After all, mas mahalaga sa'yo si mommy kaysa sa amin…"
Qin Chu: "…"