Chapter 1700:Pagpapakasal ni Lingling, Panganganak ni Xiaowei (1)
"Kani-kanina lang. Parang tutok na tutok ka sa ginagawa mo kaya hindi na ko nagsalita."
"Maupo ka, tikman mo 'tong honey green tea. Ako mismo gumawa niyna."
"Sige." Nakangiting lumapit si Su Yu at naupo sa upuang gawa sa kawayan.
Bigla itong nagsalita, "May narinig akong tsismis ngayong araw, baka gusto mong marinig…"
"Wala naman akong hilig sa tsismis. Si Lingling dapat ang kausapin mo sa ganyan. Ang mga Celebrity ay mga taong may sari-sarili ring buhay, kaya naaawa ako sa mga araw-araw sinusundan ng mga paparazzi…" Akala ni Huo Mian ay magsasabi si Su Yu sa kanya ng isang malaking sikreto ng isang celebrity.
Pero umiling ito. "Hindi 'to tungkol sa celebrity, tungkol 'to sa isang taong kilala mo. Si Rick at 'yung stundyante ng unibersidad."