Chapter 1692: Makita Kang Maligaya (13)
"Wow, ang lapit na!" Sabi ni Huo Mian, masayang-masaya ito para sa kaibigan.
"Mhm, nakilala na naming ang magulang ng isa't isa, at gusto nila na bilisan na namin magpakasal. Isa pa, tinulungan mo ako noong huli; salamat nga pala sa singisng, nagustuhan ko 'yon!"
"Maliit na bagay, masaya ako na nagustuhan mo." Ngumiti si Huo Mian.
"Pero nag-aalala ako kung paano ka makakapunta sa kasala. Maraming tao ang pupunta doon, ayos lang bang magpunta ka sa ganoon?" Nag-aalala si Zhu Lingling.
"Kakausapin ko si Su Yu at mag-iisip kami ng solusyon… Wag kang mag-alala."
"Sige… umaasa ako na makakapunta ka para makita mo kung gaano ako kasaya. Sayang lang at kasal na kayo ni Xiaowei at hindi na kayo pwedeng mgaing abay ko…"
"Hindi naman mahalaga kung abay kami o hindi, ang mahalaga lang ay masaya ka."