Chapter 1676: Malaki ang utang na loob ko sa Su Family (7)
"Ayo slang ako, minsan lang ako magkaroon ng morning sickness, pero alam ko naman na normal lang 'yon sa unang mga buwan."
"Pero kailangan mom aging maingat, kung may nararamdaman kang mali, kailangan mong magpunta sa ospital… mahirap ang mag-anak ng kambal."
"Ma, doktor ako. Isa pa, nag-intern ako noon sa OB/GYN department nang matagal at ilang case ang nakita ko, kaya wag kang mag-alala sa akin."
"Paano ko naman magagawa 'yon… Lalo pa at hindi ka naming kasama… Mahirap din na sa kaibigan mo ka nakatira."
"Hindi, ayos lang. Mabait naman ang pamilya ng kaibigan ko."
"Kelan babalik si Qin Chu?" Tanong ni Yang Meirong.
"Uhm… Malapit na siguro, kapag natapos na siguro siya doon," nakonsensiya sa pagsisinungaling si Huo Mian.
"O siya sige… marunong na ako mag-dial ngayon, mas matatawagan na kita mula ngayon. Basta balitaan mo ako ah, kundi mag-aalala ako!"