Chapter 1645: Parang Isang Panaginip (6)
Nakita ni Su Yu si Jian Tong, na nakatayo sa may pintuan na nakasuot ng itim na panglamig. Siya ay matangkad, mapayat, at maganda ang hubog ng katawan. Malayo at misteryoso siya, dahi na rin siguro sa kaniyang kasikatan at ang hindi niya pag kausap kay Su Yu, maraming tagapagmana ang nanghuhumaling sa kanya, na nakakapagpasakit ng kanyang ulo. Kaya't pinakiusapan niyang gumawa ng pelikula sa Australia, kaya't hindi diya nakita ni Su Yu ng matagal na panahon.
"Nakabalik ka na."
Tumango ito. "Katatapos ko lang gumawa ng pelikula."
"Oh, kamusta naman?"
"Okay naman..."
"Maganda iyan," tumanggo si Su Yu. Matapos nito ay dumerecho na siya sa pag aayos ng kanyang gamit. Pagkatapos ay kinuha niya ang kanyang telepono at charger, at dumerecho palabas ng pinto.
"
President Su..."
"Mayroon ka bang kailangan?"