Chapter 1601: Nakasalalay Ang Buhay (2)
Ilang sandaling nanahimik si MAyor Song bago nagsalita uli, "Walang problema, hindi namin kailangan ang dalawang araw na ito. Humiling na ako ng execution. Maayos ang lahat basta maitago niyo ang tungkol sa pagbubuntis niya. Wala na silang magagawa kapag namatay na siya, hindi naman natin siya mabubuhay muli."
"Okay, okay, simple lang 'yan. Sisiguraduhin ko iyan."
"Salamat, ipapalipat kita sa National Tax Bureau kapag nagawa mo ito para sa akin."
"Salamat, Mayor Song, salamat."
Hindi alam ng mga kaibigan ni Huo Mian ang tungkol sa pagbubuntis niya.
Kahit siya mismo ay hindi niya alam. Masyado siyang abala nitong nakaraan at hindi niya na ito naisip.
Hindi niya alam na mas mauuna pang malaman ng mga kalaban niya ang tungkol dito. Gaano ka-ironic iyon?
Hindi pwedeng i-execute ang mga buntis kaya ikukulong lang sila at maghihintay na iba pang sintensya.