Chapter 1341: Ang Hiling Ni Huo Mian (2)
Dahil sa hindi na ito makatanggi kina Huo Mian at Ni Yang, kumuha na ng upuan si Chen Jie at naupo sa tabi nila.
nakadekwatrong humigop ng kanyang tsaa si Ni Yang at nagsimula silang magkwentuhan ni Huo Mian…
"Mukhang abalang-abala ko noong Spring Festival. Punong-puno ang iskedyul mo, gusto mo bang sabihin ko kay President Qin na bigyan ka ng pahinga?"
"Oo, sana! Parang pagod na pagod na ako. Ayoko nang magpunta sa kung saan-saan, pwede bang ditto lang muna ako sa siyudad kahit ilang araw lang?"
Nang matapos niya ang kanyang sinsabi, hindi sinasadyang mapatingin si Ni Yang kay Chen Jie…
Napansin naman ito ni Huo Mian kahit pa gaano kasimple ang nangyari, pero wala itong sinabi.
Mabilis na natapos ni Chen Jie ang kanyang kinakain. Matapos ang ilang sandali, tumayo ito at sinabing, "Chief, balik na po ako sa trabaho."