Chapter 1259: Isang Pag-amin na Hindi Talaga Pag-amin (10)
"Ahem… Lingling, kumalma ka, dapat mag-isip ka bago ka magsalita." Pinigilan agad ni Gao Ran si Zhu Lingling, at inirapan siya nito.
"Ano mali sa suggestion ko?"
"Gusto mo ba talaga ng IQ-testing game kasama si Huo Miannnnnnnn at si Dr. Jiangggggg?" Sinadya ni Gao Ran pahabain ang mga pangalan nila, habang nakangiti sina Wei Liao at Qin Chu, walang sinasabi.
"Ano naman kung oo?" Mayabang si Zhu Lingling.
"Papahirapan mo lang sarili mo. Okay lang na hindi tayo ganun katalino, pero… kailangan alam natin lugar natin! Ayaw kong abusuhin sarili ko!"
"Sure, kung 'di ka papayag… kailangan mo umalis sa apartment ko ngayong gabi."
Parang iiyak na si Gao Ran. "Hindi mo pwede sabihin yan nang basta-basta…"
Hindi cute si Zhu Lingling pag hindi siya makatwiran.
"Wait lang, magkasama na kayo?" Tinakpan ni Huo Mian ang bibig niya at tumawa.