Chapter 869: Kaguluhan sa Huo Family (10)
"Zhenghai…'di ganun kalaki pera ko, pero hindi ko kayang makita na makulong anak natin… anak mo rin siya."
"'Wag mo baguhin yung subject. Sabihin mo sakin, gaano kalaki ang naipon sa mga nakaraang taon?"
"Zhenghai…" Gusto ni Shen Jiani baguhin ang usapan.
"Sagutin mo ako."
"Hindi ko sinasadya, gusto ko lang meron tayong Plan B… Kung may mangyari sa atin, at least 'di tayo maghihirap…" tahimik na paliwanag ni Shen Jiani.
"So? Magkano naipon mo?"
Nakaupo sina Huo Siyi at Huo Yanyan sa tabi ng nanay nila, walang lakas ng loob para magsalita.
Natulog si Jiang Hong sa bahay ng nanay niya, kaya apat lang sila sa bahay, at naging mas madali mag-usap.
"Hindi masyadong malaki, mga 200 million lang…" sabi ni Shen Jiani, mahina ang boses…
"Hahaha… 200 million lang… Shen Jiani, minaliit kita masyado, magaling ka pala dumiskarte…" Ngumiti nang nangungutya si Huo Zhenghai.