Chapter 834: Magdadala ng Third-Wheel Sa Bakasyon (5)
Sa daan, binigay ni Huo Mian ang buod tungkol kay Zhixin at Huang Yue kay Qin Chu.
Kaya, may ideya si Qin Chu kung ano ang nangyari.
May lagnat pa rin si Huo Mian, umakyat siya sa kwarto ni Zhixin.
"Zhixin, buksan mo yung pintuan. Ako 'to."
Ilang beses siya kumatok, pero hindi binuksan ni Zhixin ang pintuan…
"Zhixin… buksan mo ang pintuan, mag-usap tayo sa labas."
"Sis, tulog na ako, hayaan mo na lang ako."
Tiningnan ni Huo Mian si Qin Chu nang parang hindi niya alam ang gagawin niya…
Lumapit siya. "Susubukan ko."
"Zhixin, ako 'to. Buksan mo yung pintuan, kailangan kitang kausapin sa pag-intern sa GK."
Pagkarinig niya sa boses ni Qin Chu, mabagal na binuksan ni Jing Zhixin ang pintuan niya.
"Good, lumabas ka na rin."
Nang makita niya na mabuti si Zhixin, nagbuntong-hininga si Huo Mian…