"Um… saan nanggaling ang baliw na ito? Saan pumunta ang lahat ng security?" Nagulat din ang manager ni Zhao Qingya.
Bahagyang ngumiti si Huo Mian kay Zhao Qingya. "Miss Zhao, ang tapang mo. Hindi ako makapaniwala na sinubukan mo akong sirain."
"Hindi ko alam ang sinasabi mo." Nakokonsensyang tumingin si Zhao Qingya kay Huo Mian.
Pagkatapos niya kontakin ang mga taong iyon at bigyan sila ng 500,00 yuan na down payment, may kumpiyansang sinabi sa kanya ng mga ito na mabilis na matatapos ito.
Ang totoo niyan, ginamit niya ang kaparehas na paraan na ito sa isang pipitsuging artista na nakikipagsiping para lang makaangat.
Pagkatapos, may nangyari sa babaeng iyon kaya pwersahan siyang umalis sa kumpanya at C City. Kailanman ay hindi na ito bumalik.