"Pero base sa pagkakatanda ng kliyente ko, wala siyang ginawa kay Zhu Lingling maliban sa pag-inom ng wine kasama ito. Ms. Huo, gumagawa ka lang ba ng kwento tungkol sa kliyente ko para magkaroon ka ng dahilan para saktan siya gamit ang bubog ng bote?"
"Hindi ko siya ginagawan ng kwento, ito ang katotohanan," tutol ni Huo Mian.
"Anong katotohanan? Ang katotohanan na sinaksak mo ang kliyente ko?"
Walang masabi si Huo Mian; naiinis siya sa pagiging agresibo ng abogadong ito…
Alam ni Huo Mian na bawal niya sabihin ang lahat o magsalita masyado dahil makakahanap ang kabilang panig ng mali sa mga salita niya.
"Tapos na ang abogado ng nagsasakdal sa kanyang pagtatanong, ang abogado naman ng nasasakdal ang magtatanong sa nagsasakdal."
Pero, hindi umalis si Dennis Wu sa kanyang lamesa at sinabi sa judge, "Gusto kong ikansela ang karapatang iyan dahil sa tingin ko, hindi siya magsasabi ng totoo, kaya gagawa nalang ako ng statement."