"Kahit anong sabihin sayo ng mom ko sa hinaharap, sumagot ka nalang ng malabo at huwag mo siya masyadong bibigyan ng impormasyon. Kapag nasa iyo na ang atensyon niya, sayo niya ibubuhos ang lahat, kaya naman hindi na siya magpakilala ng ibang babae sa akin. Mukhang maganda ang patutunguhan nito."
Kaagad naman naintindihan ni Jiang Linyue ang ibig sabihin ni Qin Chu. Maingat niyang tinanong, "President Qin, inuutusan mo ba akong maging double agent, para umarte sa harap ni Mrs. Qin at ilihis siya sa katotohanan?"
"Bibigyan kita ng 20% na taas sahod."
"Wala akong pakialam sa sweldo, President Qin, hindi mo maintindihan ang ibig kong sabihin. Ako talaga ay…" May gusto pa sanang sabihin si Jiang Linyue, pero sumabat si Qin Chu.
"Kung hindi ka papayag sa alok ko, malilipat ka sa Malaysian branch ng kumpanya bukas."
Walang masabi si Jiang Linyue