Gumalaw ang mga kilay ni Qiao Anhao nang maamoy niya ang pamilyar na
amoy ni Lu Jinnian. Noong sadali ring iyon, narinig niya na parang may
bumulong sakanya, "Qiao Qiao, gusto kita, matagal na matagal na kitang
gusto."
Ngumiti si Qiao Anhao at ikiniskis niya ang kanyang ulo sa unan hanggang sa
tuluyan na siyang makatulog ng mahimbing.
Matagal na nakatitig si Lu Jinnian sa mukha ni Qiao Anhao at bago siya
bumalik sakanyang pwesto, dahan-dahan niya munang hinimas ang buhok
nito.
-
Kinaumagahan, ginising si Qiao Anhao ng kulog kasabay ng malakas na
pagbuhos ng ulan. Bigla siyang napabangon at nakita niya na wala na si Lu
Jinnian sa pwesto nito kaya naisipan niyang lumabas ng kwarto. Sa sala,
nakita ang asawa ni Madam Chen ba magisang nakaupo sa isang kahoy na
bangkito habang nagtatahi ng isang t-shirt na mukhang panlalaki.
"Miss Qiao, gising ka na?" Iniangat ng babae ang ulo nito para tignan si Qiao
Anhao. Walang pagdadalawang isip nitong inilapag ang t-shirt na hawak
paghandaan siya ng umagahan.
Hindi nakalimutang magpasalamat ni Qiao Anhao bago siya umupo. Hindi
nagtagal, muli niyang tinignan ang babae at nagtanong, "Nasaan ang iba?"
"Pumunta sila sa bundok para kumuha ng mga halaman."
Hindi na sumagot si Qiao Anhao at yumuko nalang siya para kumain. Noong
nasa kalagitnaan na siya, bigla nalang kumidlat na sinundan pa ng isang
nakakarinding kulog at paglakas ng ulan.
Biglang napatingin si Qiao Anhao sa pintuan. Nang makita niya na bumabaha
na sa labas buhat ng walang tigil na pagbuhos ng malakas na ulan, lalo pa
siyang nagalala at tuluyan ng nawalan ng gana kumain.
Noong napansin ni Madam Chen na nakatingin lang si Qiao Anhao sa labas,
ngumiti siya at pampablubag loob na sinabi, "Miss Qiao, wag kang magalala,
laging ganyan ang panahon dito, titigil din yan maya-maya."
Tumungo lang si Qiao Anhao pero hindi pa rin mapanatag ang puso niya.
Ngayon lang kasi siya nakaranas ng ganun kasamang panahon dahil sa
Beijing siya lumaki.
Naiintindihan ni Madam Chen ang pagaalala ni Qiao Anhao at dahil medyo
naiinip na rin siya kaya naisipan niyang magtanong, "Miss Qiao, saan ka
nanggaling?"
Habang pinagmamasdan ang masamang panahon, napakaraming tumatakbo
sa isip ni Qiao Anhao kaya wala sa sarili siyang sumagot, "Beijing."
"Oh Beijing, malaking siyudad yun. Kaya naman pala mukha kang mayaman."
Habang nagsasalita, ibinuhol ni Madam Chen ang sinulid bago niya ito kagatin
para maputol.
Biglang namutla si Qiao Anhao nang muli nanamang kumidlat. Sa
pagkakataong ito, lalo pa siyang kinabahan at nanginginig na ang buo niyang
katawan sa sobrang pagaalala.
Hindi na napigilan ni Madam Chen na matawa. "Miss Qiao, wag kang
magalala. Walang mangyayari sa asawa mo."
Asawa…Magpapaliwanag palang sana si Qiao Anhao nang makita niya na
may dalawang taong papalapit.
Natigilan siya at hindi niya na naituloy ang gusto niyang sabihin Dali dali
siyang tumayo at nakita niya si Brother Chen kasama si Lu Jinnian na
parehong nabalutan ng putik. Pero kahit na madumi, hindi maikakailang
mukha pa rin itong mayaman.
Tuluyan ng napanatag si Qiao Anhao nang makita niyang ligtas na nakabalik
si Lu Jinnian. Pero noong sadaling kakamustahin niya na sana ito, biglang
tumawa si Madam Chen.
"Buti naman at bumalik ka na Mr. Lu! Wala kang ideya kung gaano nagalala
sayo ang asawa mo noong nalaman niyang lumabas ka ng masama ang
panahon. Halos umiyak na siya sa sobrang pagaalala!"