Hindi maipaliwanag ni Qiao Anhao ang tumatakbo sa isip niya. Pabilis ng
pabilis ang tibok ng kanyag puso habang tinitignan niya si Lu Jinnian.
Bandang huli, hindi niya na talaga kinaya at tuluyan na siyang nagsalita, "Lu
Jinnian, bakit sobrang bait mo sa akin?"
Gulat na gulat si Lu Jinnian sa naging tanong ni Qiao Anhao. Hindi siya
makapagsalita dahil hindi niya alam kung anong sasabihin niya.
Hindi mapakali si Qiao Anhao at halos hindi siya makahinga ng maayos dahil
maging siya ay nabigla rin sa ginawa niya.
Lalo pang tumindi ang kahihiyan na naramdaman niya nang mapansin niyang
hindi nagsasalita si Lu Jinnian kaya sa kagustuhan niyang makalusot, nagisip
siya ng pwede niya pang idugtong sa nauna niyang sinabi. "Lu Jinnian,
nakkonsensya ka ba dahil namatay ang bata? Yun ba ang dahil kung bakit
sobrang bait mo sa akin?"
Noong mga sandaling iyon, hindi na rin mapakali si Lu Jinnian dahil hindi niya
na alam kung anong isasagot niya kaya noong narinig niya ang sumunod na
tanong ni Qiao Anhao, biya siyang nakahinga ng maluwag at mahinahon na
sumagot, "Yea."
Nalulungkot talaga siya sa pagkamatay ng anak nila, pero kahit wala ang bata,
walang pagdadalawang isip pa rin naman siyang tatalon sa bangin para kay
Qiao Anhao.
Pero may mga bagay na hindi niya kayang sabihin.
Dahil lang talaga sa bata ang lahat…Biglang nakaramdam ng lungkot si Qiao
Anhao. Pero kahit na nakokonsesya si Lu Jinnian, hindi ba parang sobra sobra
naman ang buhay ito para maging kapalit?
Marami pa siyang gustong malaman pero bigla siyang natigilan noong
magsasalita na siya.
Gusto niya sanang tanungin si Lu Jinnian: Tumalon ka bas a bangin dahil
gusto mo ako?
Sobrang bait at napakarami ng ginawa ni Lu Jinnian para sakanya kaya nalilito
siya ngayon…
Pero paano kung mali siya ng iniisip?
Magsasalita na sana si Qiao Anhao pero hindi niya talaga kayang magpatuloy.
Noong sandali ring iyon, may biglang pumasok sa isip ni Lu Jinnian kaya bigla
siyang humarap kay Qiao Anhao at tinitigan ito sa mga mata.
"Binayaran ko ng malaki ang ospital para maging sikreto ang abortion, paano
mo nalaman ang tungkol 'dun?"
Biglang natigilan si Qiao Anhao nang marinig niya ang tanong ni Lu Jinnian
pero hindi nagtagal, sumagot naman siya ng walang halong pagsisinungaling,
"May nurse na nagtatrabaho sa ospital na nagpadala sa akin ng form…"
Natigilan siya sa pagsasalita noong napansin niya na parang may mali. Hindi
niya na ituloy ang una niyang gustong sabihin at siyang nagtanong, "Teka
lang. Ang sabi ng nurse, ayaw mo raw sa aak ko at nandoon siya noong
gabing iyon. Ang nagiisang rason lang daw kung bakit iya ipinadala saakin
ang mga papeles ay dahil nakokosensya siya sa nangyari at gusto niya ng
palayain ang kanyang sarili…Bakit naman siya makokonsensya dahil nakunan
ako?"
Wala ng pakielam si Lu Jinnian sa mga huling sinabi ni Qiao Anhao. Biglang
nagbago ang kanyang itsura at nagtanong, "Anong ipinadala sayo?"
"Ang abortion papers na pinirmahan mo."
"Kailan mo natanggap?"
Inalala muna ni Qiao Anhao bago siya sumagot. "Noong birthday ko…"
Hindi ba noong birthday niya rin ang araw kung kailan gumising si Xu Jiamu?
Biglang sumikip ang dibdib ni Lu Jinnian; naintindihan niya na ang lahat
ngayon.
Ang lahat ay plinano ni Ha Ruchu…