Ilang oras na ring gising si Lu Jinnian nang bumalik ang magamang Chen at
ang asawa ng nakababatang Chen mula sa bukid.
Noong nananghalian sila kanina, nagtanong si Lu Jinnian kung maari ba
siyang makitawag pero sa kasamaang palad, walang telepono ang tahanang
tinuluyan nila at ang nagiisang pamilya na mayroon ay umalis noong tanghali
iyon. Pero habang naglalakad sina Brother Chen pauwi galing bukid, nakita
niya na nakauwi na ang mga ito kaya dali-dali niyang sinundo si Lu Jinnian.
Ipinaliwanag ni Bother Chen ang sitwasyon ni Lu Jinnian sa pamilya na
masigasig namang nagpahiram ng telepono. Noong pumayag ang mayari ng
bahay na ipagamit ito kay Lu Jinnian, hindi na siya nagaksaya pa ng panahon
at dali-dali niyang tinawagan ang kanyang assistant.
Agad namang sumagot ang assistant na halatang sobrang nagaalala. "May
balita na ba kina Mr. Lu at Ms. Qiao?"
Hindi kaagad nakapagsalita si Lu Jinnian bago siya sumagot, "Ako 'to."
"Huh?" Hindi makapaniwala ang assistant pero hindi nagtagal, bigla tumaas
ang boses nito sa sobrang saya, "Mr. Lu? Mr. Lu ikaw ba yan?"
"Oo."
"Ikaw ba talaga yan, Mr. Lu? Nasan ka ngayon? Nakita mo ba si Miss Qiao?
Kamusta ang lagay niyo?" Tuloy-tuloy na nagtanong ang assistant sa sobrang
pagaalala.
"Kasama ko siya ngayon, ayos naman kami pareho." Natigilan si Lu Jinnian
bago siya magpatuloy, "Nandito kami ngayon sa…"
Tinignan niya si Brother Chen na agad namang naitindihan ang gusto niyang
iparating kaya dali-dali nitong kinuha mula sakanya ang phone para sabihin
ang eksaktong loksyon ng baryo. Nang mailista na ng assistant ang lahat ng
detalye, muling ibinalik ni Bother Chen ang phone sakanya.
"Mr. Lu, papunta na ako jan ngayon."
-
Paguwi nila sa bahay ni Brother Chen, nakapaghanda na ang asawa nito ng
gabihan. Napakasimple ng pamumuhay ng mga tao sa nasabing baryo: Maaga
silang natutulog at maaga rin silang nagigising, kaya pagkataopos nilang
mag'gabihan, pinatulog na ng matandang Chen ang batang babae habang ang
mas batang Chen at ang asawa naman nito ay nagpaiwan pa para ayusin ang
mga inani ng mga ito kanina.
Napakatahimik ng buong baryo noong sumapit ang kadiliman. Wala ng ibang
pinagkukunan ng liwanag ang mga tao rito bukod sa liwanag na nanggagaling
sa buwan.
Medyo matagal silang nakapagpahinga noong tanghali kaya habang nakahiga
sa kama, pareho silang hindi makatulog.
Sa tuwing ipipikit ni Qiao Anhao ang kanyang mga mata, napakaraming bagay
ang pumapasok sa isip niya. Habang nagiisp siya ng kung anu-anong mga
bagay, lalo lang siyang hindi makatulog kaya bandang huli, sinubukan niyang
magpalit ng posisyon. Sa tulong ng liwanag na nanggaling sa buwan, tiitigan
niya ang mukha ni Lu Jinnian.
Medyo matagal niya itong tinitigan bago siya muling kumurap at pabulong na
tawagin ang pangalan nito, "Lu Jinnian?"
"Bakit?" Iminulat ni Lu Jinnian ang mga mata nito at humarap sakanya. Dahil
medyo madilim, nagmukhang itim na itim ang mga mata ito na parang
nangaakit sakanya.
Biglang bumilis ang tibok ng puso niya kaya napayuko siya para iwasan ang
titig nito bago siya muling magpatuloy, "Salamat."
Kung hindi dahil kay Lu Jinnian, baka patay na siya ngayon.
"Wala yun." Naintindihan ni Lu Jinnian kung anong ibig sabihin ng naging
pasasalamat niya at mahinahon itong sumagot. Kagaya ng nakasanayan,
walang emosyon ang boses nito pero sapat na ito para painitin ang puso ni
Qiao Anhao.
Tumalon si Lu Jinnian sa bangin para iligtas siya, kagaya ba ito ng mga nasa
drama na handang ibuwis ng isa ang sarili nitong buhay para sa iba?
Hindi maipaliwanag ni Qiao Anhao ang tumatakbo sa isip niya. Pabilis ng
pabilis ang tibok ng kanyag puso habang tinitignan niya si Lu Jinnian.
Bandang huli, hindi niya na talaga kinaya at tuluyan na siyang nagsalita, "Lu
Jinnian, bakit sobrang bait mo sa akin?"
Gulat na gulat si Lu Jinnian sa naging tanong ni Qiao Anhao. Hindi siya
makapagsalita dahil hindi niya alam kung anong sasabihin niya.
Hindi mapakali si Qiao Anhao at halos hindi siya makahinga ng maayos dahil
maging siya ay nabigla rin sa ginawa niya.
Lalo pang tumindi ang kahihiyan na naramdaman niya nang mapansin niyang
hindi nagsasalita si Lu Jinnian kaya sa kagustuhan niyang makalusot, nagisip
siya ng pwede niya pang idugtong sa nauna niyang sinabi. "Lu Jinnian,
nakkonsensya ka ba dahil namatay ang bata? Yun ba ang dahil kung bakit
sobrang bait mo sa akin?"
Noong mga sandaling iyon, hindi na rin mapakali si Lu Jinnian dahil hindi niya
na alam kung anong isasagot niya kaya noong narinig niya ang sumunod na
tanong ni Qiao Anhao, biya siyang nakahinga ng maluwag at mahinahon na
sumagot, "Yea."
Nalulungkot talaga siya sa pagkamatay ng anak nila, pero kahit wala ang bata,
walang pagdadalawang isip pa rin naman siyang tatalon sa bangin para kay
Qiao Anhao.
Pero may mga bagay na hindi niya kayang sabihin.
Dahil lang talaga sa bata ang lahat…Biglang nakaramdam ng lungkot si Qiao
Anhao. Pero kahit na nakokonsesya si Lu Jinnian, hindi ba parang sobra sobra
naman ang buhay ito para maging kapalit?
Marami pa siyang gustong malaman pero bigla siyang natigilan noong
magsasalita na siya.
Gusto niya sanang tanungin si Lu Jinnian: Tumalon ka bas a bangin dahil
gusto mo ako?
Sobrang bait at napakarami ng ginawa ni Lu Jinnian para sakanya kaya nalilito
siya ngayon…
Pero paano kung mali siya ng iniisip?
Magsasalita na sana si Qiao Anhao pero hindi niya talaga kayang magpatuloy.
Noong sandali ring iyon, may biglang pumasok sa isip ni Lu Jinnian kaya bigla
siyang humarap kay Qiao Anhao at tinitigan ito sa mga mata.
"Binayaran ko ng malaki ang ospital para maging sikreto ang abortion, paano
mo nalaman ang tungkol 'dun?"
Biglang natigilan si Qiao Anhao nang marinig niya ang tanong ni Lu Jinnian
pero hindi nagtagal, sumagot naman siya ng walang halong pagsisinungaling,
"May nurse na nagtatrabaho sa ospital na nagpadala sa akin ng form…"
Natigilan siya sa pagsasalita noong napansin niya na parang may mali. Hindi
niya na ituloy ang una niyang gustong sabihin at siyang nagtanong, "Teka
lang. Ang sabi ng nurse, ayaw mo raw sa aak ko at nandoon siya noong
gabing iyon. Ang nagiisang rason lang daw kung bakit iya ipinadala saakin
ang mga papeles ay dahil nakokosensya siya sa nangyari at gusto niya ng
palayain ang kanyang sarili…Bakit naman siya makokonsensya dahil nakunan
ako?"
Wala ng pakielam si Lu Jinnian sa mga huling sinabi ni Qiao Anhao. Biglang
nagbago ang kanyang itsura at nagtanong, "Anong ipinadala sayo?"
"Ang abortion papers na pinirmahan mo."
"Kailan mo natanggap?"
Inalala muna ni Qiao Anhao bago siya sumagot. "Noong birthday ko…"
Hindi ba noong birthday niya rin ang araw kung kailan gumising si Xu Jiamu?
Biglang sumikip ang dibdib ni Lu Jinnian; naintindihan niya na ang lahat
ngayon.
Ang lahat ay plinano ni Ha Ruchu…
Paragraph comment
Paragraph comment feature is now on the Web! Move mouse over any paragraph and click the icon to add your comment.
Also, you can always turn it off/on in Settings.
GOT IT