Tinignan lang ni Qiao Anhao si Lu Jinnian at hindi na muling nagsalita. Muli nanamang tumahimik hanggang sa tuluyan na silang lumiko sa paradahan ng mga sasakyan.
Matagal ng naibigay ng cinema attendant kay Lu Jinnian ang mga ticket kaya wala na silang dapat problemahin. Pagkababa nila ng sasakyan, hindi niya nakalimutang dalhin ang inihandang bag ng kanyang assistant na may laman na kumot at dalawang unan.
Sampung minuto nalang at maguumpisa na ang pelikula pero bago sila magpainspeksyon ng kanilang mga ticket, tumakbo muna si Qiao Anhao sa counter para bumili ng isang malaking kahon ng popcorn at dalawang coke. Pumasok rin sila kaagad sa sinehan at nang mahanap na nila ang kanilang mga upuan, sakto ring maguumpisa na ang pelikula kaya ang kaninang napaka ingay na lugar ay biglang tumahimik.
Inilagay ni Qiao Anhao ang popcorn sa pagitan ng mga upuan nila ni Lu Jinnian. Habang nakatutok sa big screen, maya't-maya siyang dumudukot ng popcorn na agad niya ring isinusubo.
Masyadong malamig ang hangin na ibinubuga ng aircon kaya kahit sampung minuto palang ang nakakalipas, nakaramdam na kaagad ng pagkaginaw si Lu Jinnian. Kinuha niya ang kumot mula sa bag na dinala niya at inilatag sa ibabaw ng mga hita ni Qiao Anhao.
Napatingin si Qiao Anhao kay Lu Jinnian at nang maramdaman niyang nakadikit sa dulo ng kanyang ilong ang gilid ng mukha nito na may nakakapanggigil na kagwapuhan, bigla nalang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Hinintay niya lang na matapos siyang kumutan nito at makabalik ito sa upuan bago siya dumakot ng maraming popcorn na agad niyang isinubo sakanyang bigbig.
Napansin niya na simula noong umupo si Lu Jinnian sa tabi niya, hindi pa ito kumukuha ng popcorn kaya kinalabit niya ito para alukin.
Magkatabi ang popcorn at ang coke kaya ang buong akala ni Lu Jinnian ay nagpapatulong siya na buksan ito, kaya kinuha nito ang bote, tinanggalan ng takip, nilagyan ng straw at inabot sakanya.
Kinuha naman ni Qiao Anhao ang coke pero muli siyang tumingin kay Lu Jinnian at bumulong sa tenga nito, "Gusto mo bang kumain ng popcorn?"
Tumungo lang si Lu Jinnian para ipahiwatig na naiintindihan niya at nagpatuloy sila sa pagnuod ng pelikula. Maya't-maya, nararamdaman ni Qiao Anhao si Lu Jinnian na kumukuha sa popcorn na nasa tabi niya.
Nang makarating na sa kalagitnaan ang pelikula, nagumpisa ng maging mahalay ang ilang mga eksena. At dahil karamihan sa mga magkasintahan ay pinipili ang panunuod ng sine para makapagdate, normal lang na sa tuwing may mga mga mahahalay na eksena gaya ng ipinapalabas ngayon na kinikilig ang lahat. Pero may ilan ding hindi na makapagpigil na iparamdam ang pagmamahal nila sakanilang mga kapareha kaya nagyayakapan at naghahalikan na ang mga ito.
Rinig na rinig ni Qiao Anhao ang malalaswang ingay na ginagawa ng magkasintahang nasa tabi niya habang nagyayakapan at naghahalikan ang mga ito. Ang mga ganitong klaseng tunog dagdag pa ang mga ungol na nanggaling sa pelikula ay sobrang nagpakilig at nagpabilis ng tibok ng puso ng mga nanunuod.
Hindi naman ito bago kay Qiao Anhao dahil nakakakita na rin siya ng mga ganitong klaseng bagay kapag nanunuod siya ng TV sa bahay nila at wala rin naman talagang problema sakanya kahit pa may mga malalaswang eksena, pero sa pagkakataong ito, medyo naiilang siya na manuod ng mahalay habang katabi niya si Lu Jinnian.
Ayaw niya ng panuurin ang mga nangyayari sa big screen, kaya kung saan saan niya sinubukang ibaling ang kanyang tingin pero hindi niya mapigilan ang kanyang mga mata na maya't-mayang sumilip sa gilid ng mukha ni Lu Jinnian. Nakaupo lang ito ng kalmado habang nanunuod ng walang kakurap kurap. Wala siyang makitang kahit anong emosyon sa itsura nito na para bang hindi nito nakikita ang mga nakahubad na katawan.
Dumukot si Qiao Anhao ng popcorn na sakto sa pagdukot ni Lu Jinnian at pareho nilang hindi inaasahang magkakabanggan ang kanilang mga kamay.
Si Lu Jinnian, na kanina'y tutok na tutok sa big screen, ay napatingin kay Qiao Anhao. Parang may isang matinding ilaw na bigla nalang nagningning sakanyang mga mata.
You may also Like
Paragraph comment
Paragraph comment feature is now on the Web! Move mouse over any paragraph and click the icon to add your comment.
Also, you can always turn it off/on in Settings.
GOT IT
Chapter 395: Paalam aking kabataan, paalam aking mahal (5)
Editor: LiberReverieGroup
Noong malapit na sila sa pintuan, muling sinilip ni Lu Jinnian ang suot ni Qiao Anhao at napatingin rin siya sakanyang suot. Bigla siyang napahinto at sinabi, "Aakyat lang ako sandali para magpalit."
Tumungo lang si Qiao Anhao. Naglakad siya ng mag-isa papunta sa may pintuan para magsapatos. Gusto niya sana talagang isuot ang kabibili niya lang na puting takong na may strap, pero nang sandaling maisuot niya na ito sa kanyang kanan paa, bigla siyang natigilan at dali-dali niya itong tinanggal. Binuksan niya ang shoe cabinet para mamili ng panibago niyang susuotin pero bandang huli, napagdesisyunan niyang magsuot nalang ng sneakers.
Kabibili niya lang ng nasabing sneakers nitong nakaraang tagsibol dahil nagbalak sila ni Xiao Anxia na mamundok. Pero may biglang nangyari at hindi na sila natuloy kaya itinago niya nalang muna sa shoe cabinet ang pares ng sapatos na nasa loob pa ng kahon at mula noon ay hindi niya na ito muling nagalaw.
Isinuot ni Qiao Anhao ang sneakers at tumayo sa harap ng salamin na nasa sahig. Muli niyang pinagmasdan ang kanyang mahaba at diretsong buhok at inutusan niya si Madam Chen na ikuha siya nito ng isang bandanang kulay itim na ipinangipit niya sakanyang buhok. Nang makuntento na siya sa kanyang itsura, kinuha niya ang kanyang bag at naglakad palabas ng bahay.
Pagkatapos magbihis ni Lu Jinnian, nakita niyang nakatayo na si Qiao Anhao sa may pintuan. Sa pagkakataong ito, ang mahaba at itim nitong buhok ay nakatali na at muli nanaman siyang natulala bago niya kunin ang susi ng kanyang sasakyan. Habang pababa ng hagdanan, pinindot niya na ang button na magbubukas sa mga lock kaya nang makarating na sila sa sasakyan, agad niyang hinila ang pintuan nito.
Alas dos pasado palang ng hapon at ito ang kasagsagan ng pagsikat ng araw. Nakasuot si Lu Jinnian ng isang pares ng Dior sunglass at simpleng puting shirt na nakatupi ang mga manggas. Hindi niya isinara ang dalawang butones na nasa kanyang kwelyo at para sa pambaba naman, nagsuot lang siya ng kulay beige na pantalon. Hindi maitatanggi na tunay ngang napakagwapo at kaakit-akit niya lalo na kapag nasisinagan siya ng araw.
Napatitig si Qiao Anhao kay Lu Jinnian ng halos limang segundo bago siya maglakad papalapit dito. Pagkalagpas niya sa bandang dibdib ni Lu Jinnian noong pumasok siya sa loob ng sasakyan, muli niyang naamoy ang wala masyadong dating na halimuon nito. Matagal na panahon na noong una niya itong naamoy at hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagbabago.
Pagkabukas ni Lu Jinnian ng makina ng kanyang sasakyan, agad na nagbuga ang aircon nito ng hindi masyadong malamig na hangin samantalang ang tugtog ay biglang namatay. Hindi nagtagal, dahan-dahan ng lumabas ang sasakyan sa Mian Xiu Garden at sinundan ang kalsada.
Maraming matataas na puno ang nakatanim sa magkabilang gilid ng kalsada ng Beijing. Halos natatakpan na ng mga ito ang sinag na nanggaling sa araw at ang tanging makikita nalang ay ang mga maliliit na bilog ng liwanag na nakakalusot sa pagitan ng mga dahon. May mga pagkakataon din na may mga nadadaanan silang biglang dumidilim pero agad din namang liliwanag.
Nakakapawi ng pagod ang kasalukuyang English song na tumutugtog sa loob at kahit sinong makarinig nito ay talagang kakalma.
Tumigil sila sa isang red light at matapos ang matagal na panahong walang naguusap, muling sinilip ni Lu Jinnian ang damit ni Qiao Anhao. "Nagpaayos ka ba ng buhok kanina?"
"Hindi." Huminto ng sandali si Qiao Anhao bago muling nagpatuloy, "Nagpatulong lang ako kay Madam Chen na iunat ang buhok ko kaya kapag naligo ako, babalik nanaman ang kulot ko.
"Oh." Biglang napatigil si Lu Jinnian at napatitig sa maputing leeg ni Qiao Anhao pero muli niya ring ibinaling kaagad sa kalsada ang direksyon ng kanyang mga mata dahil nagkulay green na ang ilaw na nasa harapan niya. Inapakan niya ang accelerator at nagpatuloy sa pagmamaneho.
Halos isang minuto ng tahimik sa loob ng sasakyan nang biglang lumingon at kumurap si Qiao Anhao kay Lu Jinnian para magtanong, "Kamusta ang itsura ko?"
Dahil masyadong tutok si Lu Jinnian sa kalsada, sumilip lang siya ng sandali kay Qiao Anhao at sinabi, "Maganda." Hindi nagtagal, muli siyang nagsalita, "Pareho ang itusra mo ngayon sa itsura mo noong high school."
Halatang masaya si Qiao Anhao sa kanyang narinig dahil nang ngumiti siya, pati ang kanyang mga mata ay kumurba rin na parang dalawang crescent moon. "Matagal na panahon na ang lumipas pero naalala mo pa rin ang itsura ko noong high school? Ako nga hindi ko na maalala eh."
Hindi sumagot si Lu Jinnian. Pero sa loob-loob niya ay kanyang sinabi, 'Hindi lang noong high school. Sa tuwing ipinipikit ko ang aking mga mata, nakikita ko rin ang bata at inosente mong itsura noong middle school.'