Download App
22.5% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 219: Suspected Love (7)

Chapter 219: Suspected Love (7)

Editor: LiberReverieGroup

Habang iniisip ito ni Qiao Anxia ay huminga siya ng malalalim para mailabas ang gumugulo sa kanyang isipan.

Noong unang dalawang araw ni Qiao Anxia sa set, excited siyang manuod sakanila na magfilm pero makalipas ang dalawang araw ay nakaramdam siya ng pagkabagot kaya noong ikatlong araw, sinamantala niya na walang eksena si Qiao Anhao at niyaya niya itong magshopping sa city.

Noong namatay ang mga magulang ni Qiao Anhao, kinupkop siya ng mga magulang ng kanyang pinsan, naging mabuti ang pagtrato sakanya ng mga magulang kay Qiao Anxia.

Pero hindi sila laging magkasundo ni Qiao Anxia at sa totoo lang, marami na ding pagkakataon na nagaway silang dalawa. Pero sa

tuwing mangyayari iyon, laging si Qiao Anxia lang ang pinaparusahan ng kanyang tatay. Sobrang nagtampo siya noong mga panahong iyon pero noong narealize niya kung gaano naging kaawa-awa si Qiao Anhao, hinahanayaan niya nalang itong manalo sa tuwing nagaaway sila. Pero hamak na mas matured si Qiao Anhao kaya kahit kailan ay hindi ito nakipagtalo sakanya. Pero nang lumaon, may nagawa si Qiao Anxia kay Qiao Anhao na hindi kayang patawarin nito at nakapagudyok sa kanya….

Dahil dito, hindi na mapakali si Qiao Anxia kung paano niya ba tatratuhin ng maayos si Qiao Anhao. Gusto niya sanang gawin ang lahat para unti-unti siyang makabawi sa kanyang pinsan.

Kaya noong nagshsopping sila ngayong hapon, sa tuwing may nakikita si Qiao Anhao na magagandang bag at damit ay hindi siya nagdadalawang isip na iswipe ang card niya hanggang sa tuluyan silang umalis ng shopping center na may dalang napakaraming malalaki at malilit na shopping bags. Eighty percent ng mga ito ay kay Qiao Anhao. May planong magkita sina Qiao Anxia at Cheng Yang para magdinner kaya alas kwatro palang ay umalis na sila.

Sakto, Friday nagyon at maraming tao ang uuwi ng maaga kaya siguradong magiging sobrang traffic na kumpara sa mga normal na araw na maguumpisa palang ng five.

Walang pasensya si Qiao Anxia sa tuwing matatraffic, kaya hindi niya mapigilan ang sarili niya na magsabi ng masasamang salita. Sanay na si Qiao Anhao sa ugaling ito ni Qiao Anxia kaya kalmado lang siyang nakaupo sa passenger's seat.

Kinuha ni Qiao Anhao ang kanyang phone para sana maglaro nang biglang nagpreno ng malakas si Qiao Anxia at biglang nagsalita ng masasama. Iniangat ni Qiao Anhao ang kanyang ulo at nakangiting sinabi dito, "Sis, can you calm down?"

Hindi nagsalita at suminghal lamang si Qiao Anxia . Hindi mapakali ang kanyang mga kamay at mga mata habang nagmamaneho. Kumalma si Qiao Anxia noong medyo lumuwag ang kalsada.

Dahil medyo matagal ding gumamit si Qiao Anhao ng kanyang phone, nakaramdam siya ng kaunting pagkahilo kaya ibinaba niya ito at nagumpisa ng conversation, "Sis, kamusta kayo ni Cheng Yang?"

"Okay lang." Nagisip muna si Qiao Anxia kaya medyo natagalan itong sumagot. 

"Lagi nalang okay lang. Dagdagan mo naman. Nakailang boyfriend ka ba simula noog junior high ka? Panahon na para maghanap ka ng lalaking tatratuhin ka ng maayos at papakasalan ka. Nagaalala sina uncle at aunt.

"Qiao Qiao, naiinis ako sakanila at gusto mo rin akong inisin dahil sa dalawang yun, hindi ba…" Hindi pa man din natatapos magsalita si Qiao Anxia nang bigla siyang umiyak, "Qiao Qiao, be careful!"

Hindi na nabigyan ng pagkakataon si Qiao Anhao na magsalita nang bigla silang bumangga sa likuran ng sasakyang nasa harap nila.

Pagkasagot ni Cheng Yang ng tawag ni Qiao Anxia, kasama niya sina Lu Jinnian, Song Xiangsi at Producer's room sa director's room para pag-usapan ang script.

Kinuha ni Cheng Yang ang kanyang phone at nakita ang number ni Qiao Anxia. Humingi muna siya ng pasensya sa lahat bago niya sagutin ang tawag at sabihing, "Xia Xia, anong nangyari?....Ano, car accident?

Narinig ito ni Lu Jinnian na walang reaksyong nakaupo sa sofa kaya biglang kumunot ang mga kilay nito.


Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C219
    Fail to post. Please try again
    • Translation Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login