Download App
16.03% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 156: Sagutin mo ang isang tanong ko (8)

Chapter 156: Sagutin mo ang isang tanong ko (8)

Editor: LiberReverieGroup

Tumigil sandali si Song Xiangsi bago sinabi ang bawat salita sa kanayang tanong. "Mahal mo ba talaga si Qiao Anhao?" Matapos magtanong umiling siya, "Oh, hindi mali iyon. Ang ibig kong sabihin, gaano mo kamahal si Qiao Anhao?"

Gaano niya kamahal si Qiao Anhao... Agad naging kalmado ang ekspresyon si Lu Jinnian. Mula sa windshield tumingin si Lu Jinnian sa isang puno sa labas. Bahagyang kuminang ang mata niya at mahinang sinabi, "Mahal na mahal na minsan naaawa ako sa dating sarili ko - ang mahirap, kawawang si Lu Jinnian na hindi nababagay sa kanya, kahit ubos ang laman ng wallet niya mapakain lang siya. Iyong si Lu Jinnian,"

Malinaw kay Song Xiangsi nagtanong lang siya dahil nagtaka-taka lang siya, pero ng marinig niya ang sagot nito, biglang hindi niya alam kung ano ang sasabihin.

Biglang tumahimik ang buong sasakyan. Matapos ng mahabang panahon, Lumingon siya kay Lu Jinnian habang tulala ito at sinabi, "Ang totoo, masasagot mo ito ng hindi mo kailangan pumunta sa akin, Alam mo naman na meron sa crew na gustong saktan si Qiao Anhao, at hindi mo naman gusto na siraan nila siya. Gusto mong gamitin career-destroying move na ito sa advantage ni Qiao Anhao, tama ba?"

"Oo, isa iyan sa rason..." Sandaling tumigil si Lu Jinnian, nagpatuloy din, "May isa pang rason. Hindi ko kayang makita kamuhian siya ng maraming tao."

Bilang public figure, sinong bang hindi kinamuhian noon?

Kasabay ng papuri ang mga paninira.

May mga pagkakataon na ang prinsipyo ay prinsipyo. Kung nangyayari ito sa ibang tao o sa sarili mo, makukumbinsi mo ang iba o pati ang sarili mo, pero kung mangyari ito sa taong mahal mo, malalaman mo na walang paraan para hindi pansinin ang pang-aabuso. Mas malala ito ilang beses kung mangyayari ito sayo.

Kaya ang nangyayari, may dalawa itong anggulo, Tulad ng makilala niya si Qiao Anhao malinaw na tumabi siya sa isang tao para makuha ang role, pero hindi siya papayag na malaman ito ng iba.

Walang ng sinabi si Song Xiangsi kinuha niya ang telepono at nag-post sa 'Weibo.'

Ang sabi sa popular na post sa 'Weibo', "Sigurado kayo na si Miss Qiao ang nagtatago sa kuwarto ni Mr. Lu at hindi ako? Malinaw na sa kuwarto ako ni Mr. Lu? Bakit hindi nila ako nakuhanan? Bakit si Miss Qiao Anhao lang? Ganito na ba ka baba ang tingin ng tao sa akin? Nag-uusap kami ng tungkol sa scrip. Kahit ito lang may scandal agad. Hindi ba pwede masaya kaming magpatuloy sa shooting?"

Nagdadag pa ng ilang" Goodbye" emojis si Song Xiangsi sa dulo ng post.

Matapos niyang magawa ito, binigay niya ito kay Lu Jinnian. "Tama! Tinulungan ko siyang linisin ang pangalan niya. Hindi lang nito lilinisin ang pag-ibig mo kay Qiao Anhao, pero magbibigay ito ng konting publicity sa show bago pa ito magpalabas. Malalaman din ito ng lahat!"


Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C156
    Fail to post. Please try again
    • Translation Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login