Hindi ito pinigilan ni Song Xiangsi bagkus mabagal itong umikot at walang takot sinabi, "at tila si Qiao Anhao ang dahilang iyon."
Bahagyang tumigil ang hakbang ni Lu Jinnian ngunit tila hindi ito apektado.
Ngumiti si Song Xiangsi at uminom ng alak habang kausap ang naka talikod na si Lu Jinnian, "Matagal ko ng kilala si Mr. Lu. Ngunit, nang malaglag sa tubig si Qiao Anhao. Hindi ka nagdadalawang-isip na sagipin siya at hindi pa kitang ganon mag-alala."
Tumigil ang hakbang ni Lu Jinnian pero nagpatuloy din ito agad matapos ng 2 segundo.
Kinausap ni Song Xiangsi ang sarili habang hawak ang wine glass."Tuwing may take parang walang pake sa paligid si Mr. Lu. Pero napansin ko na lagi kang tumitingin sa kanan. Bakit kaya?"
Sinagot ni Song Xiangsi ang sarili niyang tanong. "Dahil kay Miss Qiao Anhao. Lagi itong naka upo sa... bandang kanan."
Lumingon si Lu Jinnian at tinitigan maigi si Song Xiangsi. May galit namumuo sa kanya at sinabi, "Song Xiangsi, Hindi ko alam na tsismosa ka!"
"Mr. Lu, nagagalit ka ba dahil nahihiya ka?" Hindi natakot si Song Xiangsi sa kilos na ginawa ni Lu Jinnian. Ngumiti lang siya, "Likas na sa babae ang tsismis. Lalo na kung tungkol kay Mr. Lu. Gayumpaman, malinaw na kaninang hapon ako ang kausap ni Miss Qiao Anhao. Kaya ka ba sumingit dahil hindi siya pupunta sa party para iwasan ka?"
"Song Xiangsi..." Tumaas ang tono ng pananalita ni Lu Jinnian. Dahil tinamaan ito sa sinabi niya at tila magagalit na ito anumang oras.
"Oh, Nakalimutan ko, hindi kalang galit selos ka pa kung paano niya ako tignan. Hindi ka niya tinignan ng kausap ka niya. Kaya malakas mo nalang sinara ang pinto. Tut tut tut... Mr. Lu hindi ko alam na pati babae pinagseselosan mo..."
"Kalokohan!
Napansin ni Lu Jinnian na hindi magandang desisyon na lumingon siya at makipagtalo kay Song Xiangsi kay ininsulto niya nalang ito saka umalis.
Sinundan siya ni Song Xiangsi at naka ngiti siyang tinanong nito, "Uy, Mr. Lu! Sino si Qiao Anhao para sayo?"