Download App
9.04% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 88: Sino ba ako para sayo? (4)

Chapter 88: Sino ba ako para sayo? (4)

Editor: LiberReverieGroup

Lahat sila sabay-sabay sa shooting ng 'Alluring Times' kaya lahat ng script nila parehas lang.

Nagulat si Qiao Anhao ng magtanong ito ng... Maayos. Tinaas niya ang kanyang ulo at nakita niya na bahagya na itong kalmado, bahagya nalang galit. Unti-unti lumuwag ang hawak niya sa script at naisip niya, "Mauna na ko, Iwan ko nalang sayo yung script. Sabihan mo nalang ako kung may kopya ka na. Tapos kunin ko nalang."

Tinignan ni Lu Jinnian ang yukong ulo ni Qiao Anhao. Kinuha niya ang script sa kamay ni Qiao Anhao at tinuro ang sofa sa living room.

"Maghintay ka dito."

Dinala ni Lu Jinnian ang script sa kuwarto kay hindi naka tutol si Qiao Anhao.

Habang naka upo, nakita ni Qiao Anhao sa uwang ng pinto si Lu Jinnian na kinopya ang script gamit ang photocopier ng hotel. 

Matapos ma-kopya bumalik si Lu Jinnian sa living room.

Agad nag-iwas ng tingin si Qiao Anhao.

Binigyan ni Lu Jinnian si Qiao Anhao ng baso ng tubig ng makita niya na tahimik ito.

Nagulat si Qiao Anhao dahil dito at tinanggap ang baso at nagpasalamat.

Naupo naman si Lu Jinnian sa tabi ni Qiao Anhao at binuksan ang TV.

Paboritong variety show ito ni Qiao Anhao. Ngunit, kabado siya at katabi niya si Lu Jinnian. Naamoy niya ang mabangong katawan at hininga nito. Dahilan para bumilis ang tibok ng kanyang puso. Wala siya sa mood manood kaya nag-relax nalang siya at inom ng inom ng tubig.

"Gusto mo pa?" Tanong ni Lu Jinnian ng mapansin wala ng laman ang baso.

Nagulat si Qiao Anhao at umiling saka nilagay sa lamesa ang baso.

Sa tagal na umupo ni Qiao Anhao napansin niya na pawis na ang palad niya at tanging baso ng tubig ang nagtago nito. Ngayon wala na ito at katabi niya si Lu Jinnian, hindi na siya gumagalaw.


Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C88
    Fail to post. Please try again
    • Translation Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login