Walang sinabi si Lu Jinnian.
Nilapag nalang ng assistant niya ang ginger sa lamesa.
Kaya kahit maingat ito. Lumikha ng tunog ang porcelain cup ng malapag sa lamesa.
Lumingon ito at humithit ng sigarilyo saka tumignin sa bintana. Nang pumunta ito sa lamesa saka niya pinatay ang sigarilyo at uminom ng ginger tea. Biglang may naalala si Lu Jinnian sa anhang nito at tumignin sa assistant niya na malapit sa pinto.
"Meron pa?"
Tumigil ang assistant niya at naintindihan na gusto pa nito ng ginger tea. Akala nito gusto pa ni Lu Jinnian at tumango. "" Maglalagay pa ako."
Mahinang sinabi ni Lu Jinnian ang "sige" bago ulit uminom ng tea at mahina din nitong sinabi, "Magdala ka sa room 5231."
Nagtaka ang assistant niya. 'Sino nasa room 5231?'
Dahil napansin ni Lu Jinnian nagtaka ang assistant niya agad siyang tumignin at masama ang tingin nito. "Sabihin mo pinabibigay ng crew."
Naintindihan agad ito ng assistant niya, sumagot ng "ah" bago umalis.
Limang minuto bago ito bumalik galing sa paghatid ng ginger tea.
-
Hawak ni Lu Jinnian ang mainit na ginger tea sa kanyang kamay. Nang marinig niya bumukas ang pinto, tumignin ito sa assistant niya at nagtanong, "Nabigay mo ba?"
"Yes." saka pinaliwanag ang situasyon. "Pero wala po si Miss Qiao sa kuwarto, ang assistant niya ang tumanggap."
Nangunot ang noo ni Lu Jinnian bago uminom ng ginger tea. Ngunit, bago niya ito malunok.
"Sinabi ni Miss Zhao, kausap po ni Miss Qiao si producer Sun para sa bagong role. Naglalaro po sila ng baraha ngayon sa baba."
Biglang tumigil si Lu Jinnian at mahigpit na hinawakan ang baso. Tinignan nito ang ginger at lumunok na tila walang nangyari saka bahagyang tumango.
"Sige naintindihan." Tumigil sandali si Lu Jinnian at nagpatuloy, "Yun lang muna sa ngayon."
Matagal ng umalis ang assistant niya, naka lapag na sa mesa ang baso bago tumingin sa bintana na cold ang expresyon bago kinuha ang telepono at nag-send ng text.