Nakalagay sa script na interesado na ang second male lead sa second female lead. Kaya ng malaglag ito sa tubig, siguradong sasagipin niya ito. Nanginginig ang mga pilik-mata niya habang nag-iisip ng linya. Dahan-dahan binuksan niya ang mga mata at dahil sa lamig nahirapan siya magsalita.
Nanginig ang kanyang boses at saka sinabi, "Ginawa ko yun dahil gusto kita, pero promise hindi ko na uulitin. Mapapatawad mo ba ko?"
Matapos maahon ni Lu Jinnian si Qiao Anhao saka lang may sumigaw ng "Hala! May nahulog sa tubig!"
Doon lang din nawala sa pagkagulat ang direktor. Sisigaw na sana ito ng tuwalya ng magsalita si Qiao Anhao.
"Ginawa ko yun dahil gusto kita, pero promise hindi ko na uulitin. Mapapatawad mo ba ko?"
Tinigil ng direktor ang gagawin niya at tumingin sa screen.
Naguluhan si Lu Jinnian sa ginawa ni Qiao Anhao at tinignan ang mata ni Qiao Anhao ng mga limang segundo bago natanto na umaarte pa rin.
Hindi incident ang pagkahulog niya sa tubig, parte ng pag-arte niya?
Tinignan maigi ni Lu Jinnian si Qiao Anhao at pinigilan ang mag-alala ng makita na maayos ito. Galit ang nangingibabaw sa kanya.
Dahil sa pag-arte isasakripisyo niya ang buhay niya? Kagagaling niya lang sa sipon at ngayon tumalon siya sa malamig na pool... At hindi siya marunong lumangoy. Paano kung walang nagligtas sa kanya?
Masama ang expresyon ni Lu Jinnian habang tumitingin kay Qiao Anhao, umangat ang isang parte ng labi, saka ngumisi at binitawan ito. Tumayo siya at umalis.
Nagdala agad ang crew ng tuwalya at damit para kina Qiao Anhao at Lu Jinnian.
Masamang tinignan ni Lu Jinnian ang crew nagdala ng tuwalya. Umurong ang crew sa takot bago kinuha ng assistant niya ang tuwalya at binigay kay Lu Jinnian at maingat na sinabi, "Mr. Lu, punasan niyo ang sarili bago kayo siponin."