Kahit na ganoon ang iniisip ni Qiao Anhao ay nanatili ang mga ngiti sa kanyang mga labi. Ipinagpatuloy ang pakikipag-kamay kay producer Sun.
"Kina-gagalak kitang makilala producer Sun. Huwag po kayong makinig kay Shiyi, napakarami ko pa pong dapat malaman at matutunan. Pero madalas kong marinig ang mga papuri ni Shiyi sayo at ang prinsipyo mo sa pagtatrabaho."
Isang simpleng paraan ng pagsipsip para makapag-iwan si Qiao Anhao nang magandang impresyon sa producer.
Natuwa si producer Sun sa mga sinabi ni Qiao Anhao. Nakangiti niyang tinitigan ito, at kita sa mukha nito ang pagkagulat.
Ang Entertainment Industry ay puno nang mga magagandang babae at karamihan dito ay sumailalim na sa kamay ng isang doktor. Kailangan lang na tumingin ka ng mabuti para makita ang mga pagkakaiba nito sa mga natural ang ganda. Ngunit ang babaeng nasa kanyang harapan ay may natural na ganda na, ganda na napakaaliwalas sa mata.
Katabi niya si Lin Shiyi, na maganda pa ring nakangiti, pero may kakaiba itong tingin sa tuwing titingnan niya si Qiao Anhao.
Nang matapos si Qiao Anhao sa pagbati kay producer Sun karamihan sa mga crew ay dumating na.
Sadyang tumabi ni producer Sun sa tabi ni Qiao Anhao.
Nang makahanap ang lahat ng kani-kanilang mga upuan, napansin ni Qiao Anhao na may apat na bakanteng upuan sa kanyang harap.
Sino pa ang wala ?
Habang masuri niyang tinitignan ang mga lamesa kung sino ang wala pa, biglang nagbukas ang pintuan ng banquet hall at dumating ang tatlong tao.
Ang director ng 'Alluring Times', ang female lead na si Song Xiangsi, at ang male lead na si Cheng Yang.
Si Cheng Yang, ang tanging aktor na nagawang maging popular sa kabila ng kasikatan ni Lu Jinnian. Pero kung hindi siya sinuportahan ni Lu Jinnian, tulad nalang ng pagsama ni Lu Jinnian kay Cheng Yang sa mga pelikulang kabilang siya, ay hindi siguro sisikat si Cheng Yang.
Si Song Xiangsi naman ay ang female lead version ni Lu Jinnian, siya ay kilala bilang 'nationally acclaimed goddess' at ang pinaka mahusay na female lead.
"Pasensya na at nahuli ako, napaka-traffic kasi," pagpapaliwanag ng direktor nang nakangiti bago ito naupo.
Pinakita ni Cheng Yang ang kanyang panghihinayang sa kanyang pagiging late bago ito humanap ng kanyang upuan.
Habang si Song Xiangsi naman ay tumango lamang bago eleganteng naupo.
Ng makita na halos lahat ay nandito na, lumapit na ang naghahanda saka nagtanong, "Ngayong nandito na po ang lahat maari na bang ilabas ang mga pagkain?"
Kinaway ng producer ang kanyang kamay saka sinabing, "Sandali lang, meron pa tayong hinihintay."
Ang producer at ang direktor ang may pinakamahalagang tao dito, sino pa sa filming crew ang hinihintay. Ngayong nandito na sila ay mas pinili nilang maghintay sa taong ito, imbis na kumuha na ng makakain.
Nagtataka ang lahat at nang sa wakas ay may nagtanong, "Sino ang wala pa dito?"
Mabilis na sumagot ang direktor, "Ang second male lead."
Ikalawang male lead? Ang male lead ay nandito na, pero hinihintay pa ang second male lead? Sino ba talaga siya?