Sa tagal niyang nagtrabaho para kay Lu Jinnian, alam niya agad ang mood nito base sa pagkilos niya. Sa tuwing nakatiim ang kanyang bibig ay marahil hindi maganda ang mood niya.
Pero maayos pa siya pagkatapos ng hapunan, ano kayang nangyari at bigla nalang siya nagkaganito?
Kahit na may hinala siya, walang naman siyang lakas ng loob para itanong ito kaya nagpatuloy nalang siya sa pagmamaneho.
"Mr. Lu, gusto niyo po bang dumiretso na papuntang airport?" pormal niyang tanong na hindi sinagot ni Lu Jinnian.
Nabalot ng katahimikan sa loob ng sasakyan.
Kilala si Lu Jinnian sa cold personality niya kaya walang napapalapit sa kanya. Ang hindi magandang mood ni Lu Jinnian ang dahilan kung bakit nanatiling tahimik sa sasakyan kaya nagpatuloy nalang ang kanyang assistant sa pagmamaneho at binaling ang kanyang atensyon sa kalsada nang nagsimulang umulan.
"Naulan na", sabi ng assistant niya para pakalmahin ang kanyang sarili...
Habang nagsasalita ay siya ring paglakas ng buhos ng ulan, pero nanatiling tahimik si Lu Jinnian.
Wala na siyang ibang magawa kung hindi tumahimik nalang, dahil sa pangalawang pagkakataon, wala pa ring imik si Lu Jinnian.
Lalong lumlakas ang buhos ng ulan at unti-unti ay hindi na halos makita ang daan kaya mabagal na ang takbo ng sasakyan. Nang paliko na sila papuntang airport ay biglang nagsalita si Lu Jinnian.
"Itigil mo ang sasakyan."
Hindi malakas ang boses niya pero sapat na ito para marinig ng kanyang assistant. Agad din naman niyang hininto ang sasakyan.
Humarap ito palikod para makita si Lu Jinnian. "Mr. Lu, may problema po ba?"
Wala pa ring imik si Lu Jinnian, habang nakatingin sa labas at pinapanuod ang dalawang estudyanteng tumatakbo papunta sa isang gusali para sumilong sa ulan. Matapos ang dalawang minuto, nakasakay sila ng taxi ngunit nanatiling nakapako ang tingin ni Lu Jinnian sa lugar kung saan sila sumilong.
"Mr. Lu?" Takang tanong ng kanyang assistant pero hindi pa rin siya sinagot.
Gayunpaman, nakatulala lang siya sa kawalan. Ang isip niya'y lumilipad sa isang alaalang ilang taon ng nakalipas. Naulan rin nung araw na yun. Nagkasabay silang sumilong ni Qiao Anhao sa isang lumang gusali, ito ang una nilang pagkikita. Walang umiimik at patuloy lang silang nakatitig sa isa't-isa, nang mapansin nilang iisa lang ang kanilang pinapasukan dahil sa suot na uniporme.
"Mr.Lu?"
Pagkatapos ng tila napaka habang oras, nagsalita muli ang kanyang assistant. Tumaas ng bahagya ang kilay ni Lu Jinnian at dahan-dahang lumingon sa kanya, malalim at kalmado ang uri ng kanyang pagtingin.