Download App
0.82% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 8: Bringing the ‘Nation's Husband’ Home (8)

Chapter 8: Bringing the ‘Nation's Husband’ Home (8)

Editor: LiberReverieGroup

"Tatlong buwan?!" nanlaki ang mga mata ni Zhao Meng sa gulat. "Qiao Anhao, asawa ka ba niya o kabit? Mali, dahil daig ka pa ng kabit! Ang mga kabit, marami silang nakukuha samantalang ikaw…Tignan mo nga ang suot mo! Ano ang mamahalin diyan?! Sa kakayahan niya, napakarami niyang kayang gawin para matulungan ka na maging 'A-List Artist', pero ano? Binigyan ka niya ng role sa 'To the End of Time', bilang extra?" 

Natahimik si Qiao Anhao sa sinabi ni Zhao Meng. Pero yun ang totoo, na daig pa siya ng isang kabit. Kahit na parehes ang sitwasyon, binigyang halaga parin ng mga lalaki ang kanilang kabit. Pero sa sitwasyon nila, nagalit pa si Lu Jinnian

sa nangyari sa kanila.

Dali-daling ininom ni Qiao Anhao ang kape para matago ang pait na kanyang nadarama. Kalmadong nagsalita si Qiao Anhao na akala mo ibang tao ang tinutukoy niya, "Alam mo naman napilitan lang kaming magpakasal. Walang halong emosyon, kaya hindi nakakapagtaka kung hindi kami nag-uusap."

Matagal ng magkakilala si Qiao Anhao at Zhao Meng, sa kabila ng magkaibang interes at hilig ay nagkasundo pa rin silang dalawa kaya naiintindihan ni Zhao Meng ang gusto nitong sabihin. Naiwan siyang nakatulala kay Qiao Anhao bago ito napabuntong hininga.

"Qiao Qiao, nung nasa Junior High at Senior High pa tayo, hindi ganon karami yung babaeng kayang makipagusap sa kanya pero isa ka sa kaya niyang pakisamahan. Ilang beses pa nga kayong lumabas, pero anong nangyari? Bakit bigla nalang kayong parang hindi magkakilala? Ano ba talagang nangyari?"

'Anong nangyari?' Tanong niya sa kanyang sarili. Matagal din siyang natulala sa kapeng iniinom niya bago dahan-dahang napailing, "Hindi ko alam, matagal ko na ring gustong malaman kung ano ba talagang nangyari."

Nakaparada na ang assistant ni Lu Jinnian bago pa man ito makalabas sa Jing Chen Hotel. Sa sandaling nakita niya si Lu Jinnian, agad niyang binuksan ang pintuan.

Pumasok si Lu Jinnian ng kotse ng walang sinasabi. Habang sinasara niya ang pinto, sinilip niya ang kanyang boss na mukhang hindi maganda ang mood nito. Hindi niya inaasahan na ganon ang makikita niya kaya't dali-dali niyang isinara ang pinto, bumalik sa driver's seat at pinaandar ang sasakyan.


Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C8
    Fail to post. Please try again
    • Translation Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login