"Pero gusto ko ang batang ito … gusto ko talaga ito," sabi ni Mo Ziyan sa pagitan ng kanyang pag – iyak.
Inunat ni Gu Qingli ang kanyang mga braso at niyakap si Mo Ziyan. Habang tinatapik niya ang likod nito, "Magtiwala ka sa paghuhusga ng iyong auntie."
Matagal na umiyak si Mo Ziyan sa bisig ni Gu Qingli at sa wakas ay nakatulog mula sa pagod.
Samantala, binantayan ito ni Gu Qingli ng buong magdamag, hindi ipinipikit ang kanyang mga mata kahit na isang beses.
Para pasayahin si Mo Ziyan, tinawagan niya ang mga roommates nito at pinakiusapan na dalawan ito.
Nang makita ni Mo Ziyan ang kanyang mga kaibigan, siya ay naging masaya, pero ito din ang nakapalungkot sa kanya, "Kaya kailangan ninyong pangalagaan ang inyong mga katawan. Palagi kayong magpa check-up para hindi ninyo madiskubre ang problema kapag huli na ang lahat, katulad ko."