Ang tsismis ay nagpabalik balik at sa huli ay nakarating sa tenga ni Gu Qingli. Syempre, hindi na niya pinabulaan ang sinasabing ito dahil alam niya na magagawa lamang nitong mas masama ang mga bagay. Bukod pa, ang kanilang sinasabi ay totoo naman.
Sa huli, pinatawag si Gu Qingli ng University Chancellor sa kanyang opisina upang kausapin ito. Ang tsismis ay hindi na mapigilan at ito ay nakakaapekto sa imahe ng university professors.
"Oh, Qingli, marahil nga ang modernong lipunan ay bukas na ang kaisipan at ang mga relasyon sa pagitan ng isang estudyante at teacher ay hindi na malaking usapin, lalo na sa pagitan ng dalawang tao na magkapareho ng edad, ngunit...tulad ng alam mo, ikaw ay palagi ng umaakit ng atensyon sa campus. Kaya, natural lamang, ang iyon bawat galaw ay nasa ilalim ng paninilip ng ating mga estudyante."