Nang gabing iyon, naghanda si Mo Zichen ng sopas na manok at dinala ito sa hospital. Ngunit, nang siya ay dumating, nakita niyang na ang mga kasamahan ni Qian Lan ay nasa kanyang silid, kaya hindi siya kaagad pumasok sa loob. Sa halip, tahimik siyang naghintay sa labas.
"Qian Lan, ilang taon na kitang nililigawan, ngunit palagi mo na lamang akong hindi sinasagot at sinasabi mo na mayroon kang boyfriend. Akala ko ginagawa mo lamang iyong dahilan. Kailanman akala ko ay hindi iyon totoo."
"Ngayon sa wakas maaari na akong sumuko, tama?"
Sa labas ng silid, wala ng ibang narinig pa si Mo Zichen maliban na lamang sa maiksing palitan ng usapang ito.
Sumilip pa siya upang makita ang lalake at tandaan ang mukha nito sa kanyang memorya.
Hindi nagtagal, lumabas na ang kasamahan sa silid ng hospital, nang makita nila si Mo Zichen, sila ay lubhang nasorpresa at napahiya ng kaunti. Tila, narinig marahil nito ang kanilang pag uusap.