Sa huli, ang opening ceremony para sa Film Festival ay nakumpleto kasama ang buntong hininga ng lahat sa paligid. Pagkatapos ng lahat, ang lahat ay naglalaban laban para sa limelight, ngunit walang isa man sa kanila ng maaaring magningning pa sa simpleng damit ni Tangning. Pero, tinakpan ni Tangning ang kanyang sarili ng isang suit jacket at iniwan ang limelight para sa isang maliit na artista ng hindi man lamang nakikipaglaban para dito.
Ito ay dahil, ang gusto lamang ni Tangning ay ang ipromote ang 'The Ant Queen'.
Sa panahon ng Film Festival, si Tangning ay nakarinig ng mga kwento mula kay Long Jie tungkol sa mga tsismis na kumakalat sa industriya. Narinig niya ang tungkol sa isang babaeng bituin na nahuling nakikiapid sa kama at nagdadalang tao na iba ang ama; ang tungkol sa isang lalakeng bituin na mayroong ibat ibang kasintahan at palaging sinusundan ng media; at ang mag asawa na maraming taon ng ikinasal ngunit pinabubulaanan pa rin ito hanggang ngayon.