Sa pamamagitan ng mga ngiting ito, si Tangning ay nawala na mula sa paningin ng mga reporter. Mula sa mga sandaling iyon pasulong, siya ay hindi na isang manager.
Pagkaraang bitawan ang kanyang role sa Superstar Media at maging malaya mula sa Hai Rui, ang tanging bagay na naiwan na lamang sa kanya ay ang kanyang manager- artist na relasyon kay Mo Ting. Kahit pa hindi na siya pag aari ng Hai Rui, si Mo Ting ay mananatili paring personal manager niya.
Pagkaraang lumabas mula sa press conference, si Tangning ay bumisita sa opisina ng Superstar Media.
Mula ng sandaling siya ay mag umpisang magdesisyon na bumuo ng agency hanggang sa mga araw na ito, sa totoo lang si Tangning ay maraming nakamit.
Pinapanood ni Long Jie si Tangning habang inaayos nito ang kanyang mga gamit at nanghihinayang, "Ang Superstar Media ay palaging pag mamay ari mo."