Hindi na nagsalita pa si Mo Ting habang nauupo ito sa sofa. Pagkaraang ng isang maikling sandali, sa wakas ay sinabi nito kay President Fan, "Ang karanasang ito marahil ay nag iwan ng malalim na impresyon sa iyo."
"Sis, bakit mo siya sinasalinan ng tsaa? Hindi mo ba alam kung ano ang ginawa niya kanina lamang?"
Hindi pa rin naiintindihan ni President Fan ang ginagawa ng kanyang kapatid na babae.
Sa pagkakataong iyon, biglang tinanong ni Mo Ting ang kapatid na babae ni Preident Fan, "Nasaan na iyon?"
Ang kapatid na babae ni President Fan ay tumingin ng mayroong kasalanan sa kanyang nakababatang kapatid, ngunit siya ay walang pagpipilian kung hindi ang ibigay ang lahat ng impormasyon na iniwan ni President Fan sa kanyang mga kamay, kay Mo Ting.
Nanlaki ang mga mata ni President Fan. nang siya ay tatalon na lamang at aagawin ang impormasyon, ang mga bodyguard sa tabi ni Mo Ting ay pinigilan siya.