Kahit pa si Luo Sheng ay bahagyang natatakot, hindi siya nakakaramdam ng panghihinayang katulad ng paraan na sinasabi ni President Fan. Kahit pa hindi niya alam kung ano ang magiging kahihinatnan nito, ipinagpatuloy pa din ni Luo Sheng ang kanyang desisyon.
Hindi nagtagal, si Luo Sheng ay nakapag impake na at handa ng pumunta sa set. Ngunit, biglang nagpahayag ang production na ang pagsasapelikula ay ipinagpaliban ng walang katiyakan dahil sa mga pinansyal na problema.
Pagkaraang marinig ito, kaagad na naramdaman ni Luo Sheng na may isang bagay na mali, kaya tinawagan niya ng director. Sa kabilang dulo ng telepono, huminga na lamang ng malalim ang director at sumagot, "Hindi ko alam kung sino ang kumalaban sa ating major shareholders, upang mapilitan silang iatras ang kanilang investment ng ganun ganun na lamang. Paumanhin, Luo Sheng!"