"Hindi ko iyon gagawin," may tiwala sa sariling sabi ni Lin Qian pagkatapos ng ilang sandali ng katahimikan.
Alam niya na kapag pumayag siya sa pagkakataon na iyon, kinakailangan na niyang pumayag sa susunod.
Hindi makapaniwalang tinitigan ni Feng Jing si Lin Qian habang galit na galit niyang itinatanong, "Hindi ka ba natatakot na baka malaman ng Li Family?"
"Kung ayaw akong tanggapin ng Li Family, kung gayon marahil ay hindi talaga kami nakatakdang magkasama ni Li Jin. Hindi ako kailanman papasakop sa iyo, kaya pwede mong sabihin sa Li Family kung anuman ang gusto mong sabihin. Hindi ako natatakot sa mga pagbabanta mo."
Hindi kailanman naisip ni Feng Jing na ganoon na lamang katigas si Lin Qian.
Kahit na pagbantaan sa ganoong paraan, hindi man lamang siya naapektohan. Saan kaya gawa ang puso niya?
"Sige, sinabi mo yan. Huwag mo akong sisihin sa pagiging walang puso!''