Pagkatapos ng mahabang pagtulog, sa wakas ay nagising si Lin Qian ng alas 11:30 ng gabi. Sa sandaling imulat nito ang kanyang mata, una niyang nakita si Li Jin, si Lin Qian ay bahagyang nagulat. Ngunit, kaagad din niyang nabawi ang kanyang pagkamahinahon.
"Qian Qian…"
"Ang tanging mahagala na lamang ay maayos ka," wika ni Lin Qian sa kanyang namamaos na boses habang nakatingin kay Li Jin. "Gusto ko munang matulog ng kaunti."
Inabot ni Li Jin ang kanyang kamay at hinawakan ang kanang kamay ni Lin Qian habang sinusubukan ang kanyang makakaya na magsalita ng malumanay, "Matulog ka na, nandito lamang ako."
Marahang ipinikit ni Lin Qian ang kanyang mata. Gayunpaman, ilang sandali pa, ang kanyang mata ay biglang nagmulat, "Hindi ba ako nananaginid, ano?"
"Syempre hindi, " sagot ni Li Jin habang hinahawakan ng mahigpit ang kanyang kamay. "Kasalanan ko ang aking pagkahuling muli."