Si Luo Sheng ay nadisgrasya dahil siya ay makikipagkita sa investor ng 'Derivative'. Kaya, may katwiran lamang para kay Tangning na kausapin ang lalakeng may apelyidong Luo.
Ngunit, ayon sa unang imbestigasyon ng mga pukis, si Luo Sheng ay inatake bago pa siya makarating sa bahay ng lalake. At para naman sa dahilan kung bakit hininto ni luo sheng ang kanyang sasakyan sa kalagitnaan at kung ano ang nangyari sa panahon ng kanyang paghinto, ang pulis ay walang paraan upang matuklasan ito. Pagkatapos ng lahat, umuulan ng araw na iyon, kaya napakahirap na makakuha ng ebidensya. At saka, ang partikular na daang iyon ay walang government-issued surveillance cameras.
Kung hindi sa kanila masasabi ni Luo Sheng kung ano ang nangyari, walang sino man ang makakaalam ng katotohanan.