"Walang mangyayaring masama," mahigpit na hinawakan ni Mo Ting ang kamay ni Tangning. Ang mag asawa ay dalawang taon ng kasal at ang kanilang pagmamahal ay malalim na nakabaon sa kanilang mga buto. Si Tangning ay talagang kinakabahan, ngunit sa muling pagtitiyak ni Mo Ting, siya ay kaagad na huminahon. Dahil sa lalakeng ito na nasa kanyang tabi, hindi na mahalaga kung manalo man siya ng award o hindi.
Hindi nagtagal, isang black Rolls Royce ang tumigil sa eksena ng Fei Tian Award Ceremony. Sa unahan ng red carpet, lumabas si Tangning hawak ang kamay ni Mo Ting. Sa paglabas ng mag asawa, ang mga reporter ay excited at halos maitulak na nila ang mga nakaharang. Gayunpaman, kasama si Mo Ting, kahit pa gustuhin nila, hindi sila maglalakas ng loob na gawin iyon.s
"Tangning…Mo Ting…"
"Tangning…tumingin ka dito…"