"Anong walang katuturan ang pinagsasabi mo?"
"Father, alam natin pareho kung ano ang talagang nangyayari. Yamang ginawa mo na ito, bakit umaarte ka na hindi ka kasangkot?" ang boses ni Mo Ting ay hindi galit o kaya ay malamig, sa katotohanan, ito ay lubhang kaswal. Ito ay dahil alam niya, kung siya ay magagalit o manlalamig, mangagahulugan lamang na siya ay umaasa pa rin sa lalakeng ito. Kaya…
… isa lamang ang ibig sabihin ng kanyang kaswal na pagsasalita.
"Mula ngayon, ako ay wala nang ama at ikaw ay wala nang anak."
"Kung ito ang paraan kung paano mo tratuhin ang iyong anak, kung ganon sa palagay ko mas makabubuti sa atin ang maging estranghero sa isat isa… o kahit na maging magkaaway."
Nang marinig ito, si Father Mo ay natigilan, hindi niya kailanman inaasahan na magagawa ito ni Mo Ting. Para sa kapakanan ni Tangning, mas gugustuhin pa nitong tapusin ang kanilang relasyon bilang mag ama.