"Natatakot?" Nalilitong tumingin si Tangning kay Han Xiner hindi gaanong maintindihan ang ibig sabihin nito.
"Huwag kang mag - alala. Kahit sabihin ko sa'yo, hindi mo maiintindihan," iling ni Han Xiner sa ulo nito bago muling nagpatuloy, "Sige na hanapin mo ang martial arts choreographer. Punpuntahan na lang kita doon maya maya."
Pinanood ni Tangning habang papalapit si Han Xiner kay Bei Chendong. Hindi maintindihan ni Tangning kung ano ang pumapasok sa utak ni Han Xiner; ito na marahil ang pinakamagandang pagkakataon sa isang tagahanga na katulad ni Han Xiner upang humingi ng autograph, ngunit natatakot siya…
Nanatiling nakayuko ang ulo ni Bei Chendong, hindi nito binibigyan ng pagkakataon ang sinuman na tumingin sa kanya sa mata. Ang kilos na ito mismo ang naging sanhi kung bakit hindi komportable si Han Xiner kay Bei Chendong.