Nang gabing iyon, tinawagan ni Tangning si Mo Ting. Nais niyang ibahagi ang kanyang ideya sa kanyang asawa, "Sa kasalukuyan, ang 'Stupid' ay ginagawa pa lamang. Kahit na ang parte ko ay halos tapos na, ang kay Sheng Ge ay matagal pa matapos. Higit sa lahat, dalawang linggo pa bago ilabas ang iyong libro. Para maiwasan natin ang paglabas ng iba pang issue, mag umpisa na tayong tumanggap ng order!"
"Kunin natin ang main media sources para ibahagi ang ilang prebyu ng istorya at ilagay ang libro sa preorder. Ang pera ay hindi ang pangunahing motibo, ang pangunahing motibo ay para malaman ng lahat na ang 'Stupid' ay may copyright at walang dapat mangarap na sirain ito…"
"Pumapayag ako, magandang ideya iyan," ngumiti si Mo Ting at tinango ang ulo. "Ning kahit na pinalayaw kita, hindi mo pa rin nakakalimutan mag isip para sa sarili mo."
"Ayoko lang ma stressed ka, ng paulit ulit, sa mga ganitong usapin."