"Gusto nang umalis ni An Zihao?"
"Syempre gugustuhin niyang umalis sa isang ahensya na tulad nito. Kapag nanatili pa siya, naghihintay lamang siya para pabagsakin."
"Pero kapag umalis si An Zihao, ano na ang mangyayari kay Tangning?"
"Si Tangning ay modelo pa rin ng Cheng Tian."
Nang marinig na gusto nang umalis ni An Zihao, dahan - dahang nagsimula magbulungan ang mga reporter. Hindi naman siya masisisi sa kagustuhan nitong umalis. Pagkatapos ng lahat, isiniwalat na niya ang lahat ng sekreto ng Cheng Tian.
Hindi na mahalaga kung ang mga sinabi ni An Zihao ay totoo o hindi, siguradong ang Cheng Tian ay magdudusa sa mga pangyayaring ito. Ang bawat isang insidente ma binanggit ni An Zihao ay tiyak na mag - iiwan ng permanenteng mantsa sa pangalan ng Cheng Tian at walang katapusan na huhukayin at gagamitin ng mga kaaaway hanggang sa ganap nang bumagsak si Lan Xi...