Download App
2.51% Trial Marriage Husband: Need to Work Hard (Tagalog) / Chapter 32: Ang Pakikipagtunggali sa upang Maging Main Lead

Chapter 32: Ang Pakikipagtunggali sa upang Maging Main Lead

Editor: LiberReverieGroup

9am. Tianyi Entertainment's meeting room. Naghanda si Han Yufan ng isang maikling itinerary briefing para sa photoshoot ng Secret Magazine ni Mo Yurou at Tangning sa America.

Umupo si Han Yufan sa may bandang unahan ng lamesa, habang si Mo Yurou at si Tangning naman ay nakaupo sa magkabilang gilid niya. Ang pagkakaiba ng meeting na ito sa mga nakaraang paghaharap – harap nila ay pagkakakilanlan ng isa't isa; si Mo Yurou, na kabit, ay matagumpay na naitaas ang kanyang sarili at napatalsik ang orihinal na nobya ni Han Yufan sa isang tabi.

Na para bang hindi pa sapat ang ginawa ni Mo Yurou kay Tangning, hindi pa ito nahiya na ipakita ang pagpapalitan nila ni Han Yufan ng malalagkit tingin. Hindi na kayang panoorin ng lahat ng naroroon sa pagpupulong na iyon ang ginagawa ng dalawa.

Sinulyapan ni Lin Wei si Tangning sa gilid ng kanyang mga mata. Kahit na nakaupo ito sa ilalim ng projector, napakahirap hulaan kung ano ang nararamdaman nito. Ngunit, nararamdaman ni Lin Wei, na sa oras na iyon, sa kanyang mga mata, walang Mo Yurou at Han Yufan ang naroroon.

Ito ang isa sa maraming bagay na ikinabibilib ni Lin Wei kay Tangning. Kahit gaano pa ito nasasaktan, hinding – hindi niya ipapakita ang kanyang saloobin. O kaya naman ay hindi niya hahayaan na ipahiya siya ng iba.

"Para sa photoshoot ng Secret Magazine, personal ko kayong dalawa sasamahan sa US. Magsasama din tayo ng isang translator.At dahil magkakasama din naman tayo ng ilang araw sa trabahong ito, dapat kilalanin na natin ang isa't isa, upang hindi na ito makaapekto sa pagsulong ng proyektong ito," sabi ni Han Yufan habang may ibinibigay na ilang mga impormasyon tungkol sa Secret kila Tangning at Mo Yurou. "Naitatag ang Secret 20 taon nang nakakalipas at ito ay dating napakamaimpluwensya sa US. Bagaman, nitong mga nakaraang taon ay kinakitaan sila ng paghina, ang kanilang impluwensiya ay hindi dapat ipagsawalang bahala. Kaya sa pagkakataon na ito ay nag - anyaya sila ng mga Asian Models, para gamitin ang Oriental Wave at matulungan sila na muling sumikat sa kanluran… kaya naman, ang trabaho n'yo, ay labis na mahalaga!"

"Kung pag – uusapan ang fashion, mas pamilyar si Yurou sa kung ano ang mga kinakailangan sa field. Kaya naman, Tangning, kailangan mong makinig sa lahat ng payo ni Yurou at hayaan mo siyang manguna…"

Sa sandaling lumabas sa bibig ni Han Yufan ang kanyang mga salita, naintindihan agad ng mga taong nasa loob ng meeting room ang nangyayari – gusto ni Han Yufan na hayaan ni Tangning si Mo Yurou na mangningning sa photoshoot na gagawin nila.

Nang makita ni Long Jie ang mapagmataas na mga tingin ni Mo Yurou, nagngitngit ito sa galit.

"Yufan, 'wag kang mag – alala, hindi kita bibiguin!"

Hindi na gumanti si Tangning. Tumayo na lamang ito, lumingon kay Lin Wei at Long Jie at sinabi, "Halika na …"

"Tangning, anong ibig sabihin nito?"

Lumingon si Tangning at mahinahong pinagmasdan si Han Yufan, "Han Yufan, sa tingin mo ba talaga na ang pasensya ko ay magtatagal ng panghabang buhay? Malinaw naman, dahil sa reputasyon ni Mo Yurou bilang pagiging isang kabit, napaka – imposible para sa kanya na makuha ang trabahong ito sa ngayon. Paggamit sa pangalan ko, kunin ang kasikatan ko at hilingin sa akin na i-highlight siya? Karapat – dapat ba siya?"

"Tangning!" galit na sigaw ni Mo Yurou, "Hinahamon kitang sabihin pa 'yan muli?"

"Kung may kakayahan ka, then mag – shooting ka mag – isa!" Pagkatapos na magsalita, tumalikod na si Tangning na akmang aalis na kasama ni Lin Wei at Long Jie. Ngunit, pinigilan ni Han Yufan ang galit niya at saka binuksan ang bibig niya upang pigilin ito sa pag – alis.

"Sandali … kung hindi ka nasisiyahan sa isang bagay, maaari naman natin itong pag – usapan."

Dati, napakadali kong kumbinsihan, kaya naman tinapak – tapakan ako ng isang walang hiya at ng isang hampas lupa. Han Yufan, alam mo kung gaano kahalaga ang shooting na ito. Kahit na umaakto ka na kalmado … kapag hindi ako pumayag na gawin ito, sigurado akong masisindak ka. Nasa mga kamay mo desisyon kung matutuloy ba ang shooting na ito o hindi. Matapos ang lahat, hindi naman ito ang unang pagkakataon na pinahinto n'yo ako. Hayaan mo na si Mo Yurou na pumunta…"

Sa sandaling umalingawngaw sa buong silid ang mga salita ni Tangning, muntikan nang hindi ni Long Jie mapigilan ang kanyang sarili na pumalakpak sa sobrang saya niya.

Hindi rin mapigilan ni Lin Wei na mapangiti. Nangangarap pa rin ba silang abusuhin si Tangning? Ito na ang oras na magising sila sa katotohanan…

"At saka, hindi pa napapatunayan kung mas may fashion sense nga kaysa akin si Mo Yurou. Han Yufan, 'wag mong kalimutan, kahit na ang katayuan ko sa pagmomodelo ay hindi tanda ng iba, ako lang ang nag – iisang modelo sa Tianyi na nakasama si isang commercial sa US. Sigurado ka bang gusto mo ipadala ang isang non – advancing B – grade model sa US para managuna? At huwag nating kalimutan lahat, siya ay isang B – grade model na nangangailangan ng translator."

"Tangning, wawasakin ko yang bibig mo!" biglang tumayo si Mo Yurou mula sa kanyang pagakaka – upo at ibinagsak niya ang kanyang mga kamay sa lamesa habang pinandidilatan niya si Tangning.

"Yurou, hindi naman mali ang sinabi ni Tangning. Sa pagkakataon na ito, makinig ka sa kanya." Kahit na galit na si Han Yufan, para sa kinabukasan ng kompanya, kailangan niyang magtiis. Kapag muling nakabangon ang Tianyi, wala na siyang alinlangan na maaari niyang maibalik si Tangning sa dapat nitong kalagyan.

"Ayoko ko," pagalit na tinanggihan ito ni Mo Yurou.

"Napagdesisyunan na ito. Wala kang karapatan na tumanggi."

Ngumisi lang si Tangning habang inilantad niya ang isang bahagi ng kanyang mukha sa lahat ng tao na nasa silid. Mula sa anggulo na ito, napagtanto ni Han Yufan na ganap na talagang nagbago si Tangning. Alam nito ang bawat kilos na ginagawa niya, kalmado din ito at ang lahat ng ginagawa nito ay hindi na para sa kanya. Natuklasan ni Han Yufan na iba na ang lahat kay Tangning, hindi na ito ang Tangning na kilala niya; bigla siyang nakaramdam ng sama ng loob.

Umalis na ang lahat ng tao sa meeting room. Samantalang, si Mo Yurou ay nanatiling nasa loob nito at galit na galit na nagbabasag ng mga gamit sa sahig, "Han Yufan, punong – puno na ako! Bakit kailangan kong makinig kay Tangning? Hindi ba sinabi mo na ang shoot na ito ay para sa akin? Hindi ko makita kung paano ito naging para sa akin…"

"Tama na!" ipinakita ni Han Yufan na mainit na ang kanyang ulo, "Kailangan ka ba matututo na intindihan ang mga bagay – bagay? Kapag hindi pumunta si Tangning sa shoot na ito, ang Top Ten Model Award mo … huwag mo nang pangarapin na makuha pa ito. Isipin mong mabuti."

Natigilan si Mo Yurou. Kailan pa nangyari na nasigawan siya ng ganito ni Han Yufan?

Hinimas – himas ni Mo Yurou ang kanyang tiyan at nagsimulang umiyak, "Han Yufan, naalala mo pa ba na dinadala ko ang anak mo?"

"Kung hindi dahil sa pagbubuntis mo, hindi ako personal na sasama papuntang US. Ang lahat ng ginagawa ko ay para sa iyo, bakit hindi mo ba kayang kontrolin ang init ng ulo mo kahit kaunti lang – lagi mong ginagawang mahirap ang lahat para sa akin." Pagkatapos magsalita, lumabas na ng silid si Han Yufan, iniwan niya doon si Mo Yurou at ang kanyang assistant.

"Yurou, tama naman si President Han. Nakuha mo na siya, at nanatili na ito sa iyong tabi. Ang pagkakataon na ito ay napakahalaga para sa'yo. Tiisin mo lang ang kaunti, pagkatapos mong magbalik at kapag sumikat kang muli, hindi na natin kailangan pang matakot kay Tangning," maingat siyang kinumbinsi ng kanyang assistant. "Hayaan mo na, 'wag mong hayaan na masira ang lahat ng dahil sa init ng ulo, o kung hindi ay maaaring mawalan ka ng higit pa sa nakuha mo na."

"Tangning, gusto kong talagang makita, kung ang isang outdated model na katulad mo ay mas professional o kung ako – si Mo Yurou ay mas magaling!" pagkatapos niyang makinig sa kanyang assistant, nagdesisyon si Mo Yurou na pansamantalang i-isantabi ang galit na naramdaman niya sa pagkakapahiya sa araw na 'yon.

"Nagwawala marahil sa mga oras na ito si Mo Yurou sa meeting room … dinuduro duro niya siguro ngayon si Han Yufan at nagsisisigaw sa kanya dahil sa hindi nito pagpayag na maging main lead siya," panghuhula ni Long Jie sa reaksyon ni Mo Yurou sa naranasang pagkapahiya sa araw na iyo. Habang pauwi na sila, patuloy niya itong ginagaya. "Ngunit, Tangning, natututo ka nang magkaroon ng ugali … ang mga salitang binitiwan mo kanina, ay nakakapanibago."

Nakisama si Lin Wei sa biruan, "Tangning, hindi ko akalain na may ganyan ka pala kalakas na kapagyarihan."

"Pumasok ako sa industriya noong ako 17 gulang pa lamang at naging Beijing's Top Model noong ako ay 23 taong gulang. Hanggang sa punto na ito, 9 na taon na ang nakakalipas. Ano pa ba ang bagay na hindi ko naiintindihan sa industriyang ito? Kaya naman minsan naisip ko na ang magkaroon ng kapareha at magpakasal ay isang bagay na maaari kong sandalan, pero ngayon, napagtanto ko, ang sarili ko lang ang maaari kong sandalan." Syempre, si Mo Ting na tumtulong sa kanya sa likod ng mga eksena ito ay hindi kasama.

"Malinaw na, ang ibang tao ay nasa industriya na ng buong buhay nila, ngunit marami pa rin silang bagay na hindi alam."

"At 'yon ay dahil hindi pa sila nasaktan at pinagtaksilan…" tinutukoy ni Tangning ang kanyang sariling karanasan. "Kahit ano pa man, umiwi kana sa bahay mo at mag – ayos ng mga gamit mo para sa paglipad natin sa US bukas…"


Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C32
    Fail to post. Please try again
    • Translation Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login