Su Mucheng, Bao Rongxing...
Tatlong sunod-sunod na araw nang pinagsasaliksikan ng Tyranny ang Happy. Ngayon, oras na para pagsama-samahin na nila ang kanilang mga impormasyon na nakalap. Sa mga sandaling ito ay gumawa sila nang isang dokumento na nagsasaad sa kanilang mga nahanap.
Syempre, ang dalawang manlalaro na ito ang kanilang pinagsaliksikan. Tiningnan nilang mabuti, sa ilalim ng pamamahala ni Zhang Xinjie ang bawat impormasyong nakalap nila tungkol sa dalawang ito noong nilabanan nila ang Blue Rain.
Ano ang dapat naming gawin?
Ito ang naisip ng lahat. Naiintindihan naman ni Zhang Jiale ang kung ano ang gawain na kaniyang gagawin sa labanan.
Pero dahil si Zhang Xinjie ay isang strikto, maingat, at seryosong manlalaro, kahit na si Han Wenqing na ilang mga taon nang kasamahan si Zhang Xinjie sa Team ay kinakailangan pang siguraduhin na magkakaparehas ang iniisip nilang lahat kay Zhang Xinjie.