Sa ikalawang yugto ng labanan ay oras na para ang Happy naman ang pumunta sa istadyum ng kanilang mga kalaban. Bago pa man magsimula ang labanan ay lumipad na silang lahat papunta sa siyudad ng Blue Rain, ang City G.
Pagkatapos ng isang araw na pamamahinga ay nawala na ang pagod na naramdaman nila dahil sa kanilang biyahe. Sa araw na iyon, pinainit nila ang kanilang sarili gamit ang temporaryong training room na nakatalaga para sa mga dayuhang Team.
Sa hapon na iyon, dahil wala namang masyadong gagawin ay naghiwa-hiwalay muna silang lahat para gawin ang gusto nilang gawin para makondisyon ang sarili nila sa paparating na labanan.
Sa mga sandaling dumating na ang oras na napasiyahan nila ay pumunta sila sa istadyum para masanay sila sa paligid, at sa entablado. Sa pagsapit ng gabi, sa kinaumagahan ay magsisimula na ang kanilang labanan.