"Naging maganda ang paglalaro mo." Sa unang beses sa loob ng mahabang panahon ay umasta na rin sa wakas si Sun Xiang na siya'y parang isang Team Captain. Hinimok niya ang loob ni Qiu Fei na kasalukuyang papabalik na sa upuan.
Ngumiti naman si Qiu Fei, pero wala na siyang sinabing kahit na ano pa bago siya umupo. Pero nakatuon ang kaniyang mga mata sa silid na kung saan naglalaro ang mga manlalaro ng Happy. Sa loob ng labanan ay hindi maaring makapag-usap ang dalawang magkalaban na manlalaro.
Lahat ng mga nangyayari ay nakabatay lamang sa ginagawa nila sa kasagsagan ng kanilang laban, at sa labanang ito. Ginawa ni Qiu Fei ang lahat ng makakaya niya, pero siya ay natalo pa rin.
Pero syempre, wala namang problema ang lahat ng ito para kay Qiu Fei dahil sa tama lang naman talaga na mayroong matalo sa loob ng isang kompetisyon.