"Oh? Gumagalaw na si Life Extinguisher." Noong una ay inaakala nilang dalawa na matatagalan pa ang dalawang manlalaro na matuklasan ang kinaroroonan ng isa't-isa. Pero mukhang pinangunahan na ng Life Extinguisher ni Xiao Shiqin ang labanan.
Tumalikod si Life Extinguisher, at tinahak niya ang isang madilim na kanto sa tabi niya at doon ay sinimulan niya ang kaniyang paglalakbay papunta sa kaniyang kalaban.
Nakita ni Pan Lin ang kanto na ito, at doon niya namalayan kung ano ang ibig sabihin ng daang tinatahak ni Life Extinguishe. Dahil dito ay nakaramdam ng matinding pananabik si Pan Lin: "Ang direksyon na ito ay... Gustong ikutan ni Life Extinguisher si Deception..."
"Pero teka lang, hindi ba't alam na ni Life Extinguisher ang kinaroroonan ni Deception dahil sa mga nakalap niyang impormasyon mula sa Electron Eye? Pero ang tanong ay ano ba kaya ang mga nakita niya?"