Kasali ang mga Brawlers sa Fighter Class at sila ay streetfighters na nandadaya para manalo.
Halimbawa na ang Sand Toss na nagtatapon ng buhangin, pinapadumi ang damit ng matatamaan.
Sa sandaling ito, pagkautos ni Lord Grim, nagtapon agad ang Brawler na ito ng buhangin sa Blood Gunner.
Nagsisimula nang pawisan si Ye Xiu. Hindi niya naisip na ang player na ito ay isang tunay na noob. Agad niyang tinuro: "Gamitin mo ang Sand Toss pagkatapos ng cooldown at sa mukha mo itapon ito."
Iyon ang tunay na gamit ng Sand Toss.
May hidden effect ang Sand Toss na nagpapakita kapag itinapon ito sa mata ng kalaban. Maaaring ma-Blind ang target. Dahil hidden effect ito, hindi direktang ipinapakita ng system ang tagal nito at ang pagkakataon para magamit ito. Ngunit gamit ang player testing, ang pinakamababang level ng Sand Toss ay may 50% chance ng Blind na nagtatagal ng apat na segundo. Ngunit kapag namax na ang skill na ito, may 100% chance ang Blind na nagtatagal ng walong segundo.
Nakakatakot talaga ang Sand Toss. Noong bago pa lamang ang Glory, Brawlers ang namumuno nito gamit ang kanilang Sand Toss. Sa bawat pagkakataong may nakikita silang hindi nila gusto ay magtatapon sila ng buhangin sa kanilang mukha. Nagiging purong itim ang screen ng player at walang kakayahan para makakita. Ginagamit ng Brawlers ang oportunidad na ito para walang-hiyang umatake habang walang makita ang kanilang mga kalaban.
Ngunit ngayon, may nahanap na kaunting paraan ang mga players para maiwasan.
Ang pinakasimpleng paraan ay kapag ginamitan sila ng Sand Toss, ibaling nila ang tingin nila. Tingin sa taas, baba, kaliwa, o kanan. Kahit ano sa kanila ay gumagana.
Kahit na may damage ang Sand Toss, mas ayos iyon kumpara sa hidden effect nito.
Ngunit ang pinaka-epektibong paraan para maiwasan ang Sand Toss ay isang klase ng accessory: eyeglasses.
Ang laruang ito ay parehas ng tipo sa Mithril Pendant na meron kay Ye Xiu. Wala itong attributes at purong dekorasyon lamang. Ngunit ang eyeglasses na ito aay may kakayahang pawalain ang bias ng hidden effect ng Sand Toss.
Ang pinaka-ayaw na gamit ng Brawlers ay ang tipo nito.
Buti na lang dahil hindi nagsusuot ang mga NPC ng ganito na para bang isa silang sopistikadong tao.
Ang mga nabulag na NPC ay malilito sa kung anong mga direksyon at mawawalan ng kakayahan para mahanap ang kanilang orihinal na agro target. Hindi rin nito malalaman kung saang direksyon nanggaling ang mga atake kaya hindi nila matamaan ang mga players na nang-api sa kanila. Ang pakay ni Ye Xiu kaya niya inutusan ang Brawler na tamaan ng Sand Toss ang Blood Gunner ay halatang para subukang i-Blind ito. Sinong nakakaalam na sobrang noob pala ng player na ito. Ang Sand Toss niya ay biglaang itinapon sa katawan ng Blood Gunner. Walang ideya si Ye Xiu kung paanong Level 23 na ang taong ito, dalawang level na mas mataas sa kanya.
"Brick Buster!" Tuloy lang ang pagtuturo sa kanya ni Ye Xiu.
Brick Buster ang opisyal na pangalan ng skill na ito. Natakot si Ye Xiu nab aka hindi alam ng noob kung ano ang sikat na tawag ditto, kaya ginamit niya ang opisyal na pangalan nito. Sa mga players, ang madalas na tawag ditto ay Brick.
Tama nga. Nahahanap kahit saan, ang Brick na ginagamit na sandata sa mga street fights.
Sa Glory, ang Bricks ng Brawler ay ginagamit upang mangdurog at pantama, talagang nakakakilabot. Maliban dito, may special effect din ito. May 50% chance na maging Dizzy ang kalaban ng tatlong segundo dahil dito. Ngunit para mapagana ito, ang Brick ay kailangang itama sa ulo. Mayroon din itong hidden special effect. Kabog ginamit sa likod ang Brick at natama sa ulo ng kalaban, ang pagkakataon para magkaroon ng Dizzy effect ay magiging 100% na tatagal ng apat na segundo.
Walang oras si Ye Xiu para sabihin ito sa Brawler. Buti na lang ang Dizzy special effect ng Brick ay hindi tago kaya nakasaad ito sa skill tooltip. Alam na rin ito ng noob na Brawler at ang Brick niya ay dumiretso sa ulo ng Blood Gunner.
Sayang nga lang dahil imbes na gamitin ang kamy niya mismo upang direktang ihampas ang Brick sa ulo ng Blood Gunner ay itinapon niya ito.
Ang damage ng Brick ay nabawasan ng kalahati. Ang pagkakataon para magkaroon ng Dizzy effect ay nabawasan din ng kalahati; ang tagal ng Dizzy ay nabawasan din…
Maliban dito, patagilid ang nagging lipad nito.
"Bobo! Pulutin mo yung Brick at ihampas mo ito sa likod ng ulo niya." Ibang tao na ang nagsabi sa ngalan ni Ye Xiu at nagdirekta. Ang hidden effect ng Brick ay hindi sikreto.
Ang newbie na Brawler ay sinserong sumagot "Sige, sige".
"Raging Flames, atake." Utos ni Ye Xiu sa Elementalist.
Lumipad pataass ang Raging Flames. Masayang tumango si Ye Xiu. Buti na lang at hindi siya kasing noob ng Brawler kanina.
Dahiil ang kaharap nila ngayon ay ang BOSS Blood Gunner, ang knock-up ng low-leveled Raging Flames ay maliit lang. Ngunit kinontrol nan i Ye Xiu si Lord Grim para sumunod.
"Collapsing Mountain!"
"Ghostblade, gamit ka ng Sword Soul!"
"Sand Toss!"
"Raging Flames!"
"Ghost Slash!"
Maikli, malinaw, at mabilis ang pagdirekta sa knaila ni Ye Xiu. Ang limang players na tinatawag na patay na playerskanina lang ay napaisip at may nadiskubre: ganito na ba kadali ang pagpatay sa Blood Gunner?
Kanina ay sinubukan na nila ang lahat ng pwedeng gawin ngunit hindi man lang nila natamaan ang Blood Gunner. Ngayon, parang sandbag na lang ito. Hiwa ng swords, hampas ng bricks, tama ng magic, lahat sila ay tumatama.
Ang mga dalubhasa na players sa lima ay nakitang dahil ito kay Lord Grim. Ginagamit niya ang mga atake niya kung saan nila kinokontrol ang kalaban. Maliban doon, ang mg autos niya kung kalian gagamitin ang skills ay para mas makontrol ang kalaban. Bilang resulta, ang nakapalibot dito na may napakagandang ritmo ng atake, masaya nilang tinuloy ang ppag-aatake sa Blood Gunnner.
Hindi naman mahina ang Blood Gunnner para hinndi umatake ngunit ang lagi nitong target ay si Lord Grim. Alam na ni Lord Grim ang attack pattern nito kaya lagi niyang naiilagan ang mga atake nito. Maliban doon, ang mga atake nito ay hindi tumatama sa mga kasama ni Ye Xiu.
Sa issang ssaglit, ang magulong party na nakikita ng iba bilang patay na mga katawan ay naging magkatugma na sa pamamagitan ng pamumuno ni Ye Xiu. Masayang ginagamit ng lima ang mga skills nila samantalang si Ye Xiu naman ay nakapokus ng mabuti. Alam niyang kapag nagkamali siya ng kahit maliit lang o pagkakamali sa kanyang mga direkta ay ang babaliktad sa maayos nilang sitwasyon.
Ang Three Great Guilds na nakatayo't nanonood lamang ssa gilid ay gulat na gulat. Ang bawat isa sa kanila ay naghanda ng ilang dosena ng mga players para lang sa Blood Gunner bilang tagasuporta kapag may hindi inaasahang problema. Ngunit sa issang iglap, may isang anim na miyembrong party ang kumakalaban sa BOSS ngunit wala sa kanila ang sumubok umatake. Ang bawat isa sa kanila ay nagtinginan na lamang. Sa bawat beses na nagtitinginan sila, mas laalo pa silang nagmumukhang tanga.
"Sabi sa inyo eh! Ito yng pamumuna na gusto kong makita!" Sigaw ni Endless Night ng Tyrannical Ambition.
"Bakit ang saya mo?" Tanong sa kanya ng guild leader niya.
"Nakakatakot din pala si Lord Grim…" Nasa isipan lagi ng Herb Garden si Lord Grim ngunit hindi pa nila nakikita ang kanyang lakas. Ngayong nakita na nila, nagulat ang guild leader ng Herb Garden na si Plantago SSeed.
"Kapag natuloy ito, mapapatay na talaga ng lalaking ito ang Blood Gunner." Sabin i Flower Lantern ng Blue Brook Guild kay Blue River.
Bilang resulta, nagtinginan na naman ang Three Great Guilds sa isa'y isa upang panoorin ang reaksyon ng kapwa guild leader nila.
Naiintindihann nila kung ano ang kailangang gawin ng lahat ngayon.
"Patayin niyo ang mga dagdag na mga players. Huwag niyong hahawakan si Lord Grim. Kapag may umatake kay Lord Grim, tulungan niyo siya!" Utos ni Blu River.
"Tulungan sino?" May nagtanong pa rin.
"Bobo, huwag mong abihing gusto mong tulungan ang dalawang grupo ng mga gago?" Sabi ni Blue River.
Naintindihan ito ng lahat.
"Kunin niyo ang blangkong puwesto sa party at ibigay kay Lord Grim." Sabi ni Blue River.
Nalungkot ng konti ang lahatt dahil ditto. Halata namang walang pwedeng pwesto ngayon ngunit magkakaroon ng isa mamaya dahil may isang kailangang mamatay. Ang taong namatay ay sa town magrerespawn at kusang aalis ng party.
Halos sabay-sabay kumilos ang Three Great Guilds.