Download App
3.58% The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 62: Hunting Yagg (2)

Chapter 62: Hunting Yagg (2)

Editor: LiberReverieGroup

"Hindi ba parehas kahit saan?" Sagot ni Ye Xiu, nagmumukhang bahagyang mabait.

"Ngunit mamaya, baka may mga mangyari doon kaya mas mabuting lumayo sa pangyayarian noon." Sabi ni Endless Night.

Hindi mapigilan ng puso ni Blue River na tumibok ng malakas sa kaba. Ang kanilang mga salita ay halatang sinabi upang marinig ng Blue Brook Guild. Kung titingnan mo ito ng mabuti, pinapakita ng mga salitang ito na nagkampihan na ang Tyrannical Ambition at Herb Garden. Mahihiraapan ang Blue rook Guild sa pakikipag-usap sa kanila.

"Oh? Paanong narinig kong hindi ligtas ang lugar na iyon?" Sabin i Bound Boat ng Blue Brook Guild.

Digmaan ng mga isip.

Baliktad na digmaan ng mga isip.

Baliktad na baliktad na digmaan ng mga isip.

Kapag naglabanan na ang Three Great Guilds, karamihang beses ay napupunta sila sa ganitong sitwasyon. Naaasar si Blue River sa mga ganito kaya mas gusto niyang manatiling tahimik na blangko ang mukha at hinahayaan niya na lang ang iba na resolbahin ang mga ganitong problema.

"Oh, ganito pala 'yon? Huwag mong sabihin may masamang balak ang Herb Garden laban sa atin? Hindi ba mas maganda kung magkampihan tayo?" Sabi ni Endless Night.

Magkampihan ba o hindi? Iyon ang tanong.

Ramdam ni Blue River ang pananakit ng kanyang bola. Direkta siyang naagmensahe sa dalawa pang guild leaders: "Anong ginagawa niyo? Punta kayong dalawa rito."

Sumagot sa kanya si Plantago Seed ng Herb Garden: "Wala akong ginawa."

Samantalang ang sagot naman ni Cold NNight ng Tyrannnical Ambition sa kanya ay: "'Di ba nagpadala na ako ng tao ko diyan?"

Wala sa kanila ang sumagot ssa kanya ng matino. Sumakit ang ulo ni Blue River. Sa totoo lang, inaasahan niyang magpapadala na lang sila ng tatlong representatibo at hayaan silang maglaro ng rock-paper-scissors ngunit alam niyang hindi ito mangyayari. Kahit na pumayag ang lahat, sa huli, siguradong maglalabanan lang rin sila. Ang panalo ay magiging katulad ng kasabihang "The cicada stalked by a mantis, unaware of the oriole behind." Ang mananalo ay maghihintay lamang ng isang taong sasaksak sa kanya mula sa likod! Hindi niya na mabilang kung ilang beses na nangyari ang ganitong sitwasyon. Sa huli, lahat ng nananalo ay matindi ang pag-iingat at biglaang tinatapon sa kung anong gilid nang paulit-ulit ng lahat. Ang orihinal na plano na sinang-ayunan ng lahat ay wala na ring kwennta. Ano pa ang punto ng pagsasayang ng oras?

Nililimitahan ng Three Great Guilds ang isa't isa. Wala sa kanila ang balak sumubok na gumawa ng kung ano nang hindi nag-iisip. Habang nananatili lang sila at walang ginagawa, mas lalong dumarami ang mga players na namamatay sa labanan nila. Ang isang party na may sampung miyembro noong una ay may lima na lang. Namatay na ang kalahati.

"Tatayo at manonood na lang ba kaya diyan? Bilisan niya at pumatay na kayo!"

Pagkatapos tumakbo palapit si Lord Grim sa kanila, narinig niya ang limang ito na sumigaw.

Haalataang hindi nila alam ang sitwasyon ngayon at hindi nila naintindihan na away ito ng Three Great Guilds.

Ngunit kahit gaano katindi ang tension ng Three Great Guilds, mamamatay ang limang ito anuman ang gawin nila.

Kung hindi nila kayang patayin ang Blood Gunner, mamamatay sila. Kung mapapatay naman nila ang Blood Gunner, Mas magiging brutal ang pagkamatay nila. Hindi sila sinugod ng Three Great Guilds dahil sila ang klase ng unang nabbanggit, walang kapabilidad na patayin ang Blood Gunner.

"Sali ka sa party!" Sa oras na ito, sinigawan ng lima si Thousand Creation. Si Thousand Creation ang pang-anim na player na sumali sa laban kontra kay Blood Gunner Yagg. Agad nilang binigyan ng invite si Thousand Creations ngunit hindi sila pinansin nito.

"Sasali ako!" Pagkatapos duiretso ni Lord Grim sa harap, sumigaw si Ye Xiu hang mabilis na umalis sa party ni Blue River.

"Ano ang iniisip niya?" Hindi alam ni Blue River kung ano ang kanyang iisipin. Naguluhan siya nang dumiretso si Lord Grim sa harap. Tapos, umalis siya bigla sa party. Mas naguluhan pa siya nang makitang sumali si Lord Grim sa kung ano mang party iyon.

"Kung si Lord Grim ang papatay ng BOSS, nanakawin ba natin ito sa kanya o hindi?" Biglaang tanong ni Bound Boat.

Napatingin na lang ng blangko si Blue River.

Posible bang ginagamit ni Lord Grim ang katotohanang mataas ang tingin sa kanya ng Three Great Guilds at naisip na hindi siya aagawan ng mga ito?

Masyadong pang-ignorante ang tanong na 'to. Kahit na mataas ang tingin sa kanya ng Three Great Guilds at handa silang sundin siya sa mga karamiha ng mga bagay, ganoon lang 'yon kapag ginusto nilang gawin iyon. Ngunit sa panahon na ito, siya ang gumawa ng unang galaw at ginamit ang intension ng Three Great Guilds para mapilitan silang umurong. Talagang iba ang sitwasyon na ito.

Walang makakatanggap ng ganitong pamimilit lalo na ang Three Great Guilds. Kahit na maait, magalang, at makapagkumbaba sila sa panglabas na imahe at reputasyon nila, kung magplaplano ka kontra sa kanila ng ganito, sino ang may kayang tanggapin ito?"

Paikot-ikot lng si Thousand Creation, naghihintay para sa isang oportunidad.

Ang limang pllayers naman ay hinahabol at innaatake lamang ng Blood Gunner.

Ngunit pagkapasok ni Lord Grim sa laban, agarang nagbago ang lahat.

Ang mabilis na si Blood Gunner ay hindi inaasahan at perpektong nahuli ni Lord Grim. Gamit ang Sky Striike, pinadala niya si Blood Gunner sa ere. Ito ang isa sa mga atakeng hindi nahanapan ni Thousand Creation ng oportunidad kahit na matagaal na siya sa laban.

Falling Flower Palm!

Natangay palayo si Blood Gunner. Isa siyang wild BOSS at mas mahirap pa siyang kalabanin kumpara sa mga hidden BOSS. Hindi gaano kalakas ang epekto sa kanya ng Sky Strike. Kung iba lamang ang gumawa ng Falling Flower Palm, magiging mahirap at problema sa kanila ang pagkumpleto ng nasabing aerial attack.

Tumataaas ang Blow Away effects sa mga aerial attack.

Kapag mas mataas sila sa ere, mas mataas ang dagdag. Dahil hindi gaano katas ang epekto at ang taas ng Blood Gunner, ang mga karagdagang epekto ng aerial attacks na ang limita.

Kumalog ang kanyag karakter at biglaang may dalawang Lord Grim na nagpakita. Ang isa ay nasa orihinal na pwesto samantalang ang isa ay nagpakita sa likod ng lood Gunner.

Shadow Clone Technique!

Halatang ang katawwan na nasa likod ng Blood Gunnner ang totoong Lord Grim. Agad niyang hinablot si Blood Gunner at itinappon ito.

Grappler Skill: Fling.

Tinapon na namaan palayo si Blood Gunner.

Nagkaguluhan bigla aang mga players ng Herb Garden. Bakit parang palapit nang palapit sa kanila ang Blood Gunner?


Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C62
    Fail to post. Please try again
    • Translation Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login