Download App
3.41% The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 59: Nakikipaglaro ka ba sa Bata?

Chapter 59: Nakikipaglaro ka ba sa Bata?

Editor: LiberReverieGroup

Apat na halimaw. Apat na direksyon. Idagdag pa ang skeleton na sumusugod sa kaniya na may dalang machete, si Thousand Creations ay hindi makakatakbo sa oras na ito. Ang mga Chasers ay nawala kasama sa zombie na hinampas niya sa lupa. Ang camera ay umikot-ikot. At ang nasa paligid niya'y mga buto at naaagnas na katawan ng mga undead na halimaw.

Mahina at mabagal ang galaw ng mga undead monsters, kaya medyo mabagal ang kanilang pagtayo. Naunang tumayo si Thousand Creations. Ang kaniyang camera angle ay umikot. Sa oras na ito, si Lord Grim ay hindi umalis. Dala-dala ang kaniyang battle lance, si Lord Grim ay mabilis na tumakbo papunta sa kaniya.

Nagulat, si Thousand Creations ay hindi mapigilang mapatalon paatras. Pagkatapos tumalon, siya'y nakaramdam ng pait at pagsisisi. Bakit siya nagtago? Hindi ba't siya ang may gustong turuan siya ng leksyon?

Sa sandaling ito, ang mga mababagal na halimaw ay tumayo. Kahit na ang apat na ito'y bumangga kay Thousand Creations, ang kanilang aggro ay naroon pa rin kay Lord Grim. Ang orihinal na pinupuntirya ng skeleton na may dalang machete ay si Thousand Creations, pero dahil nasapak siya ng apat na halimaw, na matatawag na atake ni Lord Grim. Ang kanilang aggro ay naroon na kay Lord Grim. Pagkatapos tumayo ang limang halimaw, sila'y sumugod kay Lord Grim.

Nagplano si Thousand Creations na ubusin muna ang mga halimaw bago makipaglaban ng maayos kay Lord Grim. Pero sa huli, ang battle lance ni Lord Grim ay pasaksak na sa mga halimaw, at nakipaglabanan siya sa mga ito. Ang kaniyang paningin ay hindi manlang bumaling kay Thousand Creations.

Hindi nga ba gusto lang makipaglaban ng taong ito sa mga halimaw at hindi sa akin? Ang limang mga halimaw na to ay mas importante pa ba sa akin?

"HOY." Sigaw ni Thousand Creations.

"Oh, gusto mo nang halimaw? Ito ang isa. Magsaya ka!" Sinapak at tinulak ni Lord Grim ang isang halimaw na dumeretso sa harapan ng mga paa ni Thousand Creation.

Naguluhan si Thousand Creations.

Hindi pa siya nakaramdam ng ganito simula't sapul.

Noon, kada nag-KKS siya para magpasikat, ang mga taong nanakawan niya ng kills ay nagngangalit ang galit. Ang iba nga'y deretsahan siyang inatake. Pero sa huli, silang lahat ay natalo at nabugbog niya. Yun ang masarap sa pakiramdam.

Pero sa ngayon, ramdam niyang para siyang bata sa sagot ng kabilang dulo. Nagtipon siya ng limang halimaw at itinapon lahat sa kaniya kapag gusto niya. Ang galawang ito'y parang nagsasabi ng: "Bata, wag kang maingay, si Tito'y may candy para sa iyo."

Natulala si Thousand Creations, hindi gumagalaw. Ang mga halimaw na lumagapak sa harapan niya'y naka-aggro pa rin kay Lord Grim. Pagkatapos tumayo, sumugod ito ulit.

"Ano? Ayaw mo?" Talagang nagtanong si Lord Grim sa kaniya.

Nakaramdam si Thousand Creations ng napakalakas na udyok para samahan ang mga skeletons at zombies para upakan ang taong ito.

"Maghihintay akong mapatay mo ang mga halimaw bago tayo magtagisan." Ang tono ni Thousand Creations ay biglang naging seryoso. Hindi na siya naging ganoon ka pabaya nung sinubukan niyang hamunin siya.

"Hindi na kailangan." Sumagot si Lord Grim sa kaniya.

"Bakit!" Napasabi si Thousand Creations at mabilis na pinagsisihan ito. Ang kabilang dulo ay nakapagsalita na ng"Marami ka pang dapat matutunan.". Bakit binigyan niya pa ng chansa para masabi niya ito ulit sa kaniya.

"Walang oras." Sa huli, ito'y sinabi ni Lord Grim.

Muntik nang maiyak si Thousand Creations. Bata! Tinuturing talaga siyang bata. Isang batang iniinis ang isang matanda para makipaglaro sa kaniya. Sa huli, ang matanda'y sasabihin sa bata: "Busy si Tito. Makinig ka. Maglaro kang mag-isa!"

Tinuring talaga siyang ganito! Hindi alam ni Thousand Creations ang sasabihin. Mas mabuti pang maghintay nalang siya na matapos niyang patayin ang mga halimaw!

Napaisip nang ganitong plano si Thousand Creations. Ang resulta, tahimik siyang nag-antay. Pero napaisip siya, ang limang mga halimaw na iyon ay hindi madaling mapatay. Tutulngan ko ba siya? Pero agad niyang naramdaman na wala siya sa posisyon na tulungan siya. Ang resulta, mas mabuti pang pumatay rin siya ng halimaw para palipasin ang oras. Pero pagkatapos ibaling ang kaniyang kamera kay Lord Grim, mayroon paring limang halimaw. Papatay ako ng isa! Pagkatapos pumatay ng isa, bakit mayroon pang limang halimaw diyan? Ang galing ng lalaking iyon ay hindi naman ganoon ka sama. Hindi niya naiintindihan kung bakit natatagalan siya! Naguguluhan na si Thousand Creations. Pero pagkatapos tingnang mabuti, ang mga halimaw na ito'y parehas ba sa lima kanina?

Habang siya'y hindi sigurado, ang isang skeleton ay nasaksak at naging buto at abo. Pagkatapos, nakita niyang si Lord Grim, dala-dala ang ibang mga halimaw, ay humatak ng isang bago at nagpatuloy sa pakikipaglaban sa limang halimaw.

Nasuka ng dugo si Thousand Creations. Nag-aantay siyang tapusin ng taong ito ang mga halimaw para makipagtagisan sa kaniya, pero talagang hindi siya sineseryoso nga taong ito. Siya'y talagang nakapokus sa pagpapa-level!

Nagalit si Thousand Creations. Napagdesisyunan niyang tulungan siya. Hindi, hindi siya tutulong, mang-iistorbo siya. Magpapatuloy siya sa pagki-kill stealing hanggang maubos ang pasensya ng taong ito.

Kaya, sumugod si Thousand Creations at nagsimulang saksakin ang limang halimaw na natipon ni Lord Grim.

Parang bumaling si Lord Grim sa kaniya, agad-agad, nakatanggap si Thousand Creations ng isang party invite.

P*ta, sinong gustong makipag-party sa iyo? Nandito ako para mag kill steal! Galit na tinanggihan ni Thousand Creations ang invite at nagpatuloy sa pagpatay.

Ngayon ay mas mabilis namatay ang limang mga halimaw, pero pagkatapos tingnan ang hatian ng experience. Ang eksperto sa KS Thousand Creations ay talagang natalo sa panahong ito.

Dahil ang dalawa'y hindi kabilang sa isang party, kapag inatake nila ang parehong halimaw, ang experience ng halimaw ay mahahati. Ang unang hampas at ang huling hampas ay 2/3 sa makukuhang experience. Ang natitirang ½ ay nakadepende sa kung ilang damage ang kanilang nagawa.

Syempre hindi nagawa ni Thousand Creations ang unang hampas at orihinal na nasa plano niya ang nakawin ang huling hampas. Pero sa huli, hindi niya nagawang manakaw ang huling hampas. Kung susumahin ang nagawang damage, mas mababa siya kay Lord Grim, kaya siya'y nakakuha lang ng kakarampot na dami ng experience. At sa sitwasyong ito, lahat ng items na nahulog ay mapupunta kay Lord Grim.

Pero ang mas nakakainis pa na parte ay pagkatapos natumba ang limang halimaw, si Lord Grim ay humatak ulit ng panibagong mga halimaw at nakipaglaban na naman ng walang pahinga. Sinubukan na naman ni Thousand Creations na magnakaw, pero nabigo siya ulit. Sa huli, tinulungan lang niya si Lord Grim na madaliang mapatay ang mga halimaw. Idagdag pa, halos lahat ng experience ay napupunta sa kabilang dulo, habang ang kaniyang nakakain ay mga tira-tira lang. Kung titingnan sa ganitong anggulo, walang nakuhang talo si Lord Grim, habang siya nama'y nagpakahirap para magtrabaho.

Sobrang nagalit si Thousand Creations na muntik na siyang malagutan ng hininga. Pagkatapos nito, manghahatak nanaman siya ng panibagong mga halimaw, pero sa oras na ito, umalis si Lord Grim papalayo sa kaniyang mga nahatak na halimaw, at iniwan si Thousand Creations kasama nang mga halimaw na kaniyang hinatak.

Muntik nang maluha si Thousand Creations. Ano ang ginagawa niya?

Mabilis niyang tinapos ang mga halimaw sa harapan niya at sumugod: "Hoy, sasamahan ko tong mga halimaw para atakihin ka!"

"Wag ka ngang maingay. Magpa-level ka!" Ang kabilang dulo'y sumagot.

Nagngalit ang galit ni Thousand Creations at inilabas niya ang kaniyang battle pole. Tatamaan na niya sana si Lord Grim ng biglang nakarinig siya: "Huh? Bakit kayo magkasamang nagpapa-level?"

Agad-agad ibinaling ni Thousand Creations ang kaniyang ulo. Isang party ng Blue Brook Guild ang papalapit sa kanila, ang taong nagsalita ay ang guild leader ng Blue Brook Guild sa ikasampung server, Blue River.

Itinago ni Thousand Creations ang pole at papatakbo na sana.

"San ka pupunta Thousand Creations?" Sumigaw si Blue River.

Muntik nanamang maiyak si Thousand Creations. Guild leader, wala kang utak! Wala akong guild name sa ibabaw ng ulo ko, kaya bakit mo sinusubukang ibunyag ang aking pagkakakilanlan? Kaya siya'y tumakbo, pero nagpadala ng mensahe sa guild: "Magkunwari kayong hindi niyo ako kilala!"

"Nagkasala ako kay Lord Grim." Sagot ni Thousand Creations.

"Ano.....Ano ang ginawa mo? Ninakawan mo ba siya ng mga halimaw?" Naintindihan ni Blue River ang mali ng kaniyang kasamahan.

"Pa...Papanakaw pa lang sana." Naiyak si Thousand Creations. Kahit na dumating siya para pagalitin si Lord Grim, siya ang nakaramdam ng pait. Gaano ka mali ito?


Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C59
    Fail to post. Please try again
    • Translation Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login