Isa, dalawa, tatlo...
Ang hitsura ni Ye Xiu ay hindi nagpakita ng kahinaan. Ang dalawa niyang mga mata ay hindi kumurap at ang kaniyang mukha'y nagpapakita ng konsentrasyon. Ang kaniyang kanang kamay ay dinala ang Midnight Cat Fingernails isa-isa. Pagkatapos inilagay ang walo na walang pagkakamali, napabuntong hininga si Ye Xiu. Niyugyog niya ang kaniyang kamay at pinili ang blueprint na nagpapakita ng isang nakatalukbong na payong. At dahan-dahan nanaman niya kinuha ang runner na nasa katawan na nagdudugtong sa walong tadyang ng payong.
Ang model ay madetalye at mainam, pero pagkatapos itong kinuha ni Ye Xiu, inilagay niya ito sa gilid ng Dark Opal. Pagkatapos pindutin ang "copy" na opsyon, may progress bar na lumitay. Ang mga Dark Opals ay umikot, nagiging mas makintab. Pagkatapos napuno ang progress bar, ito'y naging eksaktong imahe sa runner ng Myriad Manifestation Umbrella.
Ang runner ay ibinalik sa data library ng editor habang nag nakaduplicate na Dark Opal runner ay ibinalik sa Myriad Manifestation Umbrella. Noong ipinasok niya ang walong tadyang ng payong sa runner, bawat isa'y nagbigay ng mahinang tunog. Pagkatapos napasok ang lahat, ang design na nakikita sa blueprint ay bumalik na sa orihinal na pagmumukha nang payong. Masinsinang tinutukan ito ni Ye Xiu bago mapahingal ng ginhawa.
Tinitingnan ang blueprint sa editor, nagsindi si Ye Xiu ng sigarilyo at para bang natulala, ang kaniyang isip ay naglalakbay.
Ang pinakamainam na kakayahan ng mga self-made equipment ay ang mga pagsasaliksik na inilagay sa blueprints at ang mga kinakailangan materyales na ilalagay sa editor. Ang pagsasaliksik sa Myriad Manifestation Umbrella ay malapit nang matapos at may ideya na siya kung ano ang gagawin at ang mga proseso. Sa ngayon, ang tanging mga materyales na hindi niya alam ay yung nasa Level 50 pataas. Sabagay, noong natapos ang pagsasaliksik at paggawa ng Myriad Manifestation Umbrella, ang pinakamataas na level sa Glory ay nasa Level 50 lang.
Pinindot ni Ye Xiu ang "Confirm" para magawa ang armas sa editor. Isang progress bar nanaman ang lumitaw at ang editor ay ipinakit ang proseso nang paggawa sa blueprint. Noong napuno ang progress bar, mga ilang modipikasyon na ang nakikita. Ang mga matutulis na dulo ng payong ay naging Midnight Cat Fingernails.
Pinatay ni Ye Xiu ang editor at bumalik sa laro. Binuksan niya ang inventory ni Lord Grim at tiningnan anag mga pagbabago sa attributes ng Myriad Manifestation Umbrella. Sa isang galaw ng kaniyang mouse, iniyugyog ni Lord Grim ang payong sa kaniyang kamay at ang payong ay naging battle lance. Ang dulo ng lance at ang walong Midnight Cat Fingernails ay pwedeng magamit sa pagsaksak at paghila. Isang malamig na liwanag ang umilaw mula sa dulo, nagpapahiwatig kung gaano katalim ang armas. Tiningnang ulit ang attribues ng Myriad Manifestation Umbrella, makikit ang pagbabago.
[Myriad Manifestation Umbrella(Lance Form)] – Level 15
Weight: 2.3kg, Attack Speed: 5
Physical Attack: 290; Magic Attack: 220
Kung ikukumpara sa orihinal na payong, ang Magic Attack ay hindi ganoong nagbago, pero ang Physical Attack ay lubhang tumaas nang 110 points. Ito'y mga 5-25 Levels na mas mainam kaysa Purple, Blue, Green, at White lances sa parehas na level.
Ang pagpapakitang gilas ni Lord Grim sa kaniyang armas ay gumulat at pumukaw sa atensyon sa mga tao sa paligid. Pagkatapos tingnan ito, wala sa mga dalubhasa ang nakakakilala sa battle lance.
"Kaibigan, nakabalik ka na?" Si Blue River ay pinaldahan siya nang Party invitation.
"Yup." Sagot ni Ye Xiu at sumali sa party.
"Pano kung sumali ka muna sa guild namin? Sa ganong paraan ang dungeon clear record ay mapupunta sa pangalan ng guild namin." Pinadalhan siya ni Blue River nang imbitasyon. Ang mga guilds ay maaring magawa pagkatapos umalis sa beginner village sa Level 20. Ang Blue Brook Guild ay hinanda ang lahat at sinet-up ang lahat pagkatapos umalis sa beginner village.
"Understood." Tinanggap ni Ye Xiu ang imbitasyon at naging miyembro ng Blue Brook Guild. Kapag ang party, lahat ng limang miyembro ay kasali sa isang guild, dun lamang mapupunta sa pangalan ng guild ang record.
"Ano, simulan na natin?"
"Teka lang..." Sinabi ito ni Ye Xiu at tiningnan ang equipment ng lahat para malaman ang kanilang classes.
Blue River, Swordsman Class Blade Master, Purple Level 20 Flaming Sun, isang light element sword.
Bound Boat, Priest Class Cleric, Purple Level 20 Saint's Cross.
Flower Lantern, Priest Class Knight, Purple Level 20 Guardian of Justice, isang battle axe.
Thundering Light, Mage Class Elementalist, Purple Level 20 Copper Staff.
Bukod sa mga armas, ang mga gamit ng apat na manlalaro ay halos blue equipment na may ilang nakahalong purple equipment. Lahat ng equipment ay pumantay sa kanilang mga classes. Isang araw lang ang nagdaan bago nagbukas ang bagong server pero ang kanilang mga gamit ay sobrang ganda na. Makikitang ang lahat nang ito'y hindi galing sa kanilang swerte ngunit sa kapangyarihan ng kanilang guild.
"Meron pa ba?" Naiinip na si Flower Lantern.
'"Kung gusto nating sirain ang record, masasabi kong dapat nating palitan ang ating mga classes." Tugon ni Ye Xiu.
"Palitan ang ano?" Tanong ni Blue River.
"Hindi natin kailangan nang Cleric!" Diretsahang sagot ni Ye Xiu.
"..." Bound Bout, ang Cleric, na wala pang nasasabing kahit ano bago dumating ang sigaw ni Flower Lantern: "Hindi kailangan nang Cleric? Magandang biro."
"Alisin niyo ang Cleric at magdagdag kayo ng class na may mataas na DPS." Kalmadong sinabi ni Ye Xiu na hindi nagmamadali
"Kaibigan, parang hindi naman yata makatuwiran yang panukala mo..." Si Blue River ay mas pasensya kaysa sa iba niyang mga kahanay.
"Medyo mas malaki ang pressure, perong tayong lahat dito ay mga dalubhasa. Kung magpopokus lang kayo sa inyong positioning at pag-ilag, hindi na kinakailangan nang heals." Sagot ni Ye Xiu.
"Hindi naman talaga namin kailangan ng heals, ang mga heals ay para sa MT[1]."
"Yeah, kaya... Ang ibig kong sabihin ay hindi na kailangan nang MT. Ang Knight ay may mababang DPS din kaya dapat natin siyang palitan para magdagdag nang kaunting damage!"
"Tang**!" Tinulungan lang naman ni Flower Lantern si Bound Boat, hindi niya inaasahang masisipa din siya, "Walang MT? Kung mayroong mga maliliit na halimaw lang, pwede pero pano na kung ang kalaban ay BOSS? Sinong magkokontrol ng aggro, ikaw?"
"Yup." Tugon ni Ye Xiu.
"Gag* anong ibig sabihin niyang yup mo!" Nagngalit ang galit ni Flower Lantern.
"Ako ang kokontrol sa aggro." Sabi ni Ye Xiu.
"..." Walang masabi ang buong team, ngayong si Ye Xiu ay nasa kanilang party at guild pa, ang apat ay hindi pwedeng makipag-usap na sila-sila lang. Napakulot ang mukha ni Blue River at sinabi: "So sinasabi mo na dapat lahat nating miyembro ay may mataas na DPS?"
"Tama, iyan yung pinakamabilis na clearing party." Sagot ni Ye Xiu.
"Ito ba ang ginagawa mo sa beginner village?" Sigaw ni Flower Lantern.
"Hindi na bale kung anong dungeon, klarong lahat ng DPS ay ang pinakamabilis." Tugon ni Ye Xiu.
"Tama ka jan, pero ang problema ay ang isang all DPS party ay hindi makakatapos sa dungeon!" Sabi ni Blue River.
"Siyempre posible, ang gusto ko lang ay hayaan niyo akong manguna sa labanan." Sagot ni Ye Xiu.
"..." Ramdam ni Blue River na parang binaril sa dibdib. Pagkatapos sumipa nang dalawang tao, ang taong ito'y gusto pa maging party leader.
"Sige!" Sigaw ni Flower Lantern: "Tingnan nating kung gaano ka kagaling. Bound Boat, umalis ka sa party at tumawag nang iba." Pagkatapos magsalita, umalis si Flower Lantern sa party, pero si Bound Boat ay nagdadalawang-isip pa. Si Thundering Light ay tumakbo kay Flower Lantern at sumigaw: "Hey hey, aalis kayo sa party para hindi kayo mamroblema pag namatay kami, hindi ba?!"
"Walang kwenta, hindi pa nga nagsisimula ang labanan." Napahamak si Flower Lantern kay Thundering Light at minadali si Bound Boat: "Bound Boat, dalian mo't umalis kana, tumawag na ako ng tao para pumunta dito."
1[Main Tank]